Panrehiyong Mataas na Paaralang Pang-agham para sa Rehiyon 1
Ang Regional Science High School for Region 1 (Panrehiyong Mataas na Paaralan ng Agham para sa Rehiyon 1) ay isang pampublikong paaralan para sa agham at teknolohiya, na matatagpuan sa Ma. Cristina East, Bangar, La Union, Pilipinas. Ang paaralang ito ay itinatag noong taong pampaaralan 1994-1995 sa bisa ng DECS Order bilang 69 serye 1993, ito ang Regional Science High School para Rehiyon Ilocos. Ang RSHS-I ay isang mataas na paaralang pang-agham na pinapatakbo ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education).
Ang RSHS ay sentro ng karunungan sa agham at matematika na may mahuhusay na nagtapos na mag-aambag sa kaunlaran ng bansa. Ang paaralang ito ay nagbibigay ng mahusay na edukasyon sa larangan ng agham, teknolohiya, matematika, at pananaliksik para sa kanyang mga mag-aaral para mapaghusayan ang kanilang karunungan at kakayahan tungo sa pag-unlad ng bansa.
Kasaysayan
baguhinAng Regional Science High School for Region 1 ay isa sa mga labing-isang RSHSs na itinatag noong taong pampaaralan 1994-1995. Nagsimula ito sa isang silid sa kanyang inang paaralan, ang Dona Francisca Lacsamana de Ortega Memorial National High School, na matatagpuan sa National Highway, San Blas, Bangar, La Union, na binubuo ng animnapung matatalinong mag-aaral na nag-mula sa iba't ibang probinsiya ng rehiyon. Noong Hulyo taon 1998, lumipat ito sa kanyang sariling campus sa Ma. Cristina East, Bangar, La Union. Ang campus ng RSHS- I ay ipinagkaloob ng Pamahalaang Bayan ng Bangar.
Pag-tanggap
baguhinAng pagpasok sa unang taon bilang estudyante ng RSHS-I o alin mang RSHSs sa bansa ay binubuo ng tatlong uri ng pagsala sa lahat kwalipikadong estudyante na nakapagtapos ng ika-anim na baitang sa elementarya. Para maging kwalipikado sa pag-sasala dapat ang estudyante ay isang Pilipino at average ng kanyang grado sa ika- anim na baitang ay hindi bababa sa walumpot limang porsyento. Ang pagsasala ay binubuo ng dalawang pagsusulit at isang panayam.
Kurikulum
baguhinAng paaralang ito ay may kurikulum na naka-sentro sa pag-aaral sa agham, matematika, teknolohiya, at pananaliksik. Ang lahat ng estudyante ay kumukuha ng apat na taong pag-aaral Agham ng Kompyuter (Computer Science). Ang Agham ng Mundo (Earth Science) ay pinag-aaralan sa unang taon, samantala ang Agbuhay (Biology) ay pinag aaralan sa ikalawa at ikatlong taon, at ang Kemika (Chemistry) at Pisika (Physics) ay pinag-aaralan sa ikatlo at ika-apat na taon. Ang Algebra, Geometry, Trigonometry, Analytic Geometry at Calculcus ay pinag-aaralan sa una, ikalawa, ikatlo, at ika-apat na taon, ayon sa pagkakasunod-sunod. Ang Statistics pinag-aaralan sa unang taon bilang bahagi ng Pagsusulat Teknikal (Technical Writing), at bilang separate subject sa ikalawa at ikatlong taon. Kasama din sa kurilum ang pananaliksik (research) kung saan ang mga mag-aaral ay kinakailangan gumawa ng isang pananaliksik na kanilang maaring isali sa mga patimpalak na may kaugnayan sa Agham, Teknolohiya at Pananaliksik.
Mga pagkakataon ng mag-aaral
baguhin- Pananaliksik
- Pagnulat- ang RSHS-I ay may dalawang limbag pampaaralan, ito ay ang sumusunod:
- The RSHS Catalyst (TRC)- ito ang limbag pampaaralan sa wikang Ingles.
- Ang Tagatuklas- ito ang limbag pampaaralan sa wikang Filipino.
- Samahan ng Mag-aaral
- Student Body Organization (SBO)
- Regional Organization on Youth Science Clubs (ROYSC)
- Philippine Society of Youth Science Club (PSYSC)
- Mathematical Association of Students in La Union (MASLU)
- Kapisanan ng mga Mag-aaral ng Filipino (KAMAFIL)
- ROTAR-ACT- RSHS- Student Chapter
- Citizen Army Training (CAT)
- Binhi ng RS (a theater group/ in-active)
- RSHS Drum and Lyre Corps (defunct)
- RSHS Young Scientists Band (defunct)
- Samahan ng Guro at Magulang
- Parents and Teachers Community Association (PTCA)
- Science Club Advisers Association Of the Philippines (SCAAP)
- Pangkatan/Fraternity/Sorority
- ThirteenZero
- AHDC
- Iba Pa
Kahit ang pag-aaral ay naka-sentro sa akademiks kumpara sa ibang paaralan, ang RSHS-I ay naglulunsad ng ibat ibang gawain na makakatulong sa pag-unlad ng mga mag-aaral. Naririto ang ilan:
- Buwan ng Wika
- Science Month
- Intramurals
- Junior-Senior Promenade
- Foundation Day
Maliban sa mga nabangit ang RSHS-I ay lumalahok din sa iba't ibang gawain sa labas ng paaralan gaya ng Piyesta ng Patron, Piyesta ng Bayan at Lalawigan at marami pang iba.
Alumni
baguhinTala ng mga Regional Science High School
baguhinMga pahina kaugnay sa Regional Science High School for Region 1
baguhinMga kawing panlabas
baguhin- 16 DepEd administered regional science schools listed Naka-arkibo 2004-05-17 at Archive.is
- What needs to be done
- What needs to be done
- ISEF Delegates Bared at Awarding Rites of Intel Philippine Science Fair Naka-arkibo 2007-10-27 sa Wayback Machine.
- No ordinary girls Naka-arkibo 2006-02-12 sa Wayback Machine.
- Dropout's imagination is fired by 'kalan'
- 2003-2004 INTEL PHILIPPINE SCIENCE FAIR (IPSF) Region I Winners Naka-arkibo 2007-03-10 sa Wayback Machine.