Anyo (materya)
Sa mga agham pampisika, ang isang anyo o pase ay isa rehiyon ng materyal na kimikal na magkakapareho, pisikal na naiiba, at (kadalasan) mekanikal na hindi nahihiwalay. Sa isang sistema na binubuo ng yelo at tubig sa garapong salamin, nasa isang anyo ang yelo, nasa ikalawang anyo ang tubig, at nasa ikatlong anyo ang mahalumigmig na hangin sa ibabaw ng yelo at tubig. Nasa hiwalay din na anyo garapong salamin.
Sa mas tumpak na kahulugan, ang pase ay isang rehiyon ng espasyo (isang sistemang termodinamika), kung saan lahat ng katangiang pisikal ng isang materyal sa kabuuan ay talagang pare-pareho.[1][2]:86[3]:3 Kabilang sa mga halimbawa ng katangiang pisikal ang densidad, repraksyon, magnetisasyon at komposisyong pang-kimika.
Kadalasang ginagamit ang katawagang pase bilang kasingkahulugan ng kalagayan ng materya, subalit maaring may ilang hindi mahalong pase ng parehong kalagayan ng materya (tulad ng langis at tubig na nahiwalay sa mga naiibang anyo, parehong nasa estadong likido). Ginagamit din ito kadalasan upang tukuyin ang mga katayuang ekwilibriyo na pinapakita sa isang diyagramang pase, na sinasalarawan ayon sa mga estado ng mga baryante tulad ng presyon at temperatura at nahihiwalay sa pamamagitan ng mga hangganan ng pase. (May kaugnayan ang mga hangganan ng pase sa mga pagbabago sa organisasyon ng materya, kabilang halimbawa ang isang banayad na pagbabago sa loob ng estadong solido mula sa isang istrakturang kristal tungo sa isa pa, gayon din bilang pagbabagong-estado tulad ng sa pagitan ng solido at likido.) Hindi konmensurable ang dalawang gamit sa pormal na depinsyon na binigay sa itaas at kailangang bahagyang matukoy ang nilayong kahulugan mula sa konteksto kung saan ginagamit ang katawagan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Modell, Michael; Robert C. Reid (1974). Thermodynamics and Its Applications (sa wikang Ingles). Englewood Cliffs, NJ: Prentice-Hall. ISBN 978-0-13-914861-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Enrico Fermi (2012). Thermodynamics. Courier Corporation. ISBN 978-0-486-13485-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Clement John Adkins (1983). Equilibrium Thermodynamics (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-27456-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)