Tapal
Ang tapal, panapal, o pantapal ay mga uri ng panggamot o mabilis na pampagaling o panghilom, katulad ng yerba, na itinatakip o idinirikit sa mga sugat o nananakit at nasaktang mga masel ng katawan.[1][2] Kalimitang ginagamit na sangkap ang mga dinikdik na dahon o kaya pinainitang putik. Tinatawag din itong pumento, implasto, o kataplasmo.[1] Para rin itong isang pamitpit o kompres, ngunit ginagamit ang buong yerba sa halip na likidong katas lamang ng yerba. Bagaman malimit na mainit ang ginagamit na tapal, gumagamit din ng malalamig na pantapal.[2]
Mga sangkap at kagamitan
baguhinKabilang sa mga sangkap ang sapat na bilang ng sariwang mga dahon ng mga yerba na magsisilbing pantakip sa apektadong bahagi ng katawan. Gumagamit din ng kawali at mga piraso ng gasa o bulak.[2]
Paghahanda, pagluluto, at paggamit
baguhinSa pagluluto ng pantapal, pinakukuluan ang sariwang mga yerba. Pinipiga mula sa pinakuluang mga yerba ang labis na likido. Pagkaraan, nagpapahid muna ng kaunting langis sa ibabaw ng balat o apektadong bahagi ng katawan. Mahalaga ang pagpapahid muna ng langis upang hindi dumikit o manikit sa balat o bahagi ng katawan ang yerba. Saka naman ipinapatong at ikinakalat ang mga yerba sa ibabaw ng apektadong bahagi ng katawan. Pagkatapos, binabalutan ng gasa o mga piraso ng bulak ang tapal upang manatili sa kinalalagyan ang mga ito. Pinapalitan ang tapal sa bawat dalawa hanggang apat na mga oras, o kaya kung kailangan na.[2]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Poultice - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Ody, Penelope (1993). "Poultice". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 124.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.