Panti (damit na panloob)
Ang panti[1] o pantis (Ingles:panties;Kastila:bragas) ay isang uri ng kamisadentro o panloob at pang-ilalim na kasuotang pambabae. Katumbas ng panti ang brip na sinusuot ng mga kalalakihan. Ginagamit ang manipis na kasuotang ito bilang panakip sa ari at puwit ng babae.
Ang katagang panti ay tumutukoy sa sa damit panloob pang ibaba ng mga kababaihan gawa sa malambot na tela at hapit sa katawan ng nagsusuot nito. Sa modernong panahon maraming uri ng panti ang naidisenyo at mag mula 1970s naging mas maikli at mas makitid at hapit katawan.
Estilo at uri
baguhinAng mga Panti ay nauuri sa ibat ibang estilo batay sa mga pamantayan gaya ng lapad ng pankip sa puwit o likuran "rear coverage", at haba o kapal ng garter o kaya ang kitid at lapad ng panakip sa ari.
- Classic Panti nagsisimula sa may pusod ang natatakpan na bagahi ng katawan at malawak din tagiliran para takpan ang baywang at panakip sa likod ay kayang takpan ang buong puwit ng nag susuot ito ay tinatawag na "Granny Panties" ng mga kabataan.
- Hipster isunusuot ng mas mababa at ang garter ay nakapantay sa baywang.
- Bikini gaya ng Hipster ang garter ng bikini ay nasamay baywang ngunit ang tela na tumatakip sa gilid ng baywang ay mas maikli pa at mas makitid din ang likuran ng bikini panti na tumatakip sa puwit.
- Tangga napakaliit at napakakitid ng garter ng tangga sa may baywang, kumpara sa bikini ang panakip sa likuran ay mas makitid din sa bikini at mas kaunti ang natatakpang bahagi ng pisngi ng puwit, ang ibang Tangga ay mayroon lamang lapad na tatlong pulgada ang likuran maituturing ang Tangga na isa sa may mga maliliit na "rear coverage" na panti,sa kabuuan mas lantaran ang Tangga kumpara sa bikini.
- Thong gaya ng Tangga, maliit na panakip ang naibibigay ng thong makitid ang garter at ang panakip sa puwit ay halos wala na sa kitid karaniwang hindi pa lalagpas ng isang pulgada ang lapad ng likuran at talagang lantad ang puwit ng mag susuot nito.
Pananaw ng lipunan at mga kalakaran.
baguhinGaya ng ibang pananamit ang mga panti ay nakinabang at naimpluwensiyahan ng makabong komersiyalismo,simula ng 1970s naging bahagi na ng moda ng kasuotan ng mga kababaihan ang mga panti, at nag bunga ito ng pagdami ng pagdami ng mga Kompanya at mga Tatak nakapag labas ng ibat ibang estilo at disenyo, sa ngayon isang industria na ang nabuo sa pag gawa ng panti kaya ang pagpipilian ay dumami. Nag iba din ang pananaw ng lipunan sa panti kung dati ay iniiwasan na pag usapan o kinahihiya na bangitin ang mga panti o ang pag susuot ng mas lantad na disenyo gaya ng Tanga at iba pang estilo na "minimal rear coverage" ngayon masasabi ng mas bukas ang tao partikular mga kababaihan na maging mapanuri at mapili sa kanilang mga panti at mag suot ng estilo na nauuso gaya ng mga estilo na "Minimal rear coverage" dahil na rin ito sa promosyon ng telebisyon at diaryo na ang mga makabagong panti ay nagbibigay o nakadagdag sa kagandahan at pagiging kaakit akit ng isang babae.
Gayunpaman sakabila ng mga magagarang desinyo, ang Panti ay angkop lamang bilang kasuotang panloob at hindi dapat ito nakikita sa pambuplikong lugar at nag-iingat ang mga kababaihan na hindi makita ang panti na suot nila lalo na kapag nakapalda. Kadalasan na malaking kahihiyan ang mararamdaman ng isang babae kung makikita ang kanilang panti o malaman kung anong istilo o kulay ng panti na suot nila.
Sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James (1977). "Panti, pantis, panty". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.