Panustos at pangangailangan

Ang panustos at pangangailangan, pampuno at pangangailangan, o pagpupuno at pangangailangan (Ingles: supply and demand) ay isang pang-ekonomiyang huwaran o modelo ng pagtukoy ng halaga o presyo sa isang pamilihan. Nilalagom nito na ang isang pamilihang may tagis o kompetitibo, ang pangyunit na presyo para sa isang partikular na bagay ay magbabago hanggang sa pumirmi ito sa isang punto kung saan ang daming hinihingi o kinakailangan ng mga tagakonsumo (sa pangkasalukuyang halaga) ay katumbas ng daming maipampupuno ng mga prodyuser o tagagawa ng produkto (sa pangkasalukuyang presyo), na kinareresultahan ng ekilibriyong pang-ekonomiya (katatagan ng ekonomiya) ng presyo at ng dami.

Ang apat na payak na mga batas ng pagpupuno at pangangailangan ay[1]

  1. Kapag ang pangangailangan ay tumataas at ang pampuno ay nananatiling hindi nagbabago kung gayon may mas mataas na matatag na presyo at dami (kantidad).
  2. Kapag ang pangangailangan ay bumababa at ang dami ay nananatiling magkapareho o magkatulad kung gayon may mas mababang katatagan ng halaga at ng dami.
  3. Kapag tumataas ang pampuno at nananatili ang pangangailangan kung gayon may mababang katatagan ng presyo at may mas mataas na dami.
  4. Kapag bumababa ang pampuno at nananatili ang pangangailangan kung gayon may mas mataas na halaga o presyo at mas mababang dami.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Besanko & Braeutigam (2005), p.33.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.