Papa (titulo)
Ang Papa (Ingles: Pope) ay isang titulong pang-relihiyon na tradisyonal na ibinibigay sa Obispo ng Alexandria (pinagmulan ng titulong "Papa") at Obispo ng Roma.
Kasaysayan
baguhinAng papa ay hinango mula sa Griyegong πάππας (pappas) na nangangahulugang "ama". Sa mga simulang siglo ng Kristiyanismo, ang pamagat na ito ay inilapat lalo na sa Silangang Kristiyanismo sa lahat ng mga obispo at iba pang mga nakatatandang klero. Ito ay kalaunang nireserba sa Kanlurang Kristiyanismo sa Obispo ng Roma na isang reserbasyong ginawa lamang opisyal noong ika-11 siglo CE.[1][2][3][4][5] Ang pinakamaagang tala ng paggamit ng pamagat na "Papa" sa kasaysayan ng Kristiyanismo ay sa namatay na Patriarka ng Alexandria na si Papa Heraclas ng Alexandria(232–248).[6] Si Papa Marcelino (namatay noong 304) ang unang Obispo ng Roma na ipinakita sa mga sanggunian na may pamagat na "Papa" na ginamit sa kanya. Sa Kanlurang Kristiyanismo, si Papa Siricio na nagsilibing papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 384 CE - 398 CE ang pinaniniwalaang ang unang papang Katoliko Romano na gumamit ng pamagat na "papa" sa modernong kahulugan sa Simbahang Katoliko Romano. Bago nito, ang kanyang pamagat ay simpleng Obispo ng Roma. Pinaniniwalaan rin ng ilan na si Papa Siricio ang unang gumamit ng pamagat na Pontifex Maximus. Gayunpaman, ayon sa ibang mga eksperto, ang pamagat na "Papa" ay mula sa simulang ika-3 siglo CE ay isang honoripikong designasyon na ginagamit para sa anumang obispo ng Kanlurang Kristiyanismo.[7] Sa Silangang Kristiyanismo, ang pamagat na "Papa" ay ginamit lamang para sa Obispo ng Alexandria.[7] Mula sa ika-6 siglo CE, ang kanseriyang imperyal ng Constantinople ay nagreserba ng designasyong ito para sa Obispo ng Roma.[7] Mula sa simulang ika-6 siglo, ito ay nagsimulang ilimita sa Kanlurang Kristiyanismo sa Obispo ng Roma na isang kasanayan na matatag na inilagay sa ika-11 siglo nang ideklara ni Papa Gregorio VII ang pamagat na ito para sa Obispo ng Roma.
Mga Papa ng iba't ibang mga denominasyon
baguhin- Papa ng Simbahang Katoliko Romano, ang pinuno ng Simbahang Katoliko Romano at soberanya ng Estado ng Siyudad ng Batikano
- Papa ng Alexandria at Patriarka ng Lahat ng Aprika, ang Primado ng hindi-Chalcedonian na Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria
- Papa at Patriarka ng Alexandria at ang Lahat ng Aprika, ang pinuno ng Chalcedonian na Griyegong Ortodoksong Simbahang ng Alexandria
Mga kasalukuyang papa ng iba't ibang denominasyon
baguhin- Papa Francisco, kasalukuyang Papa ng Simbahang Katoliko Romano
- Papa Theodoros II ng Alexandria, ang kasalukuyang Papa ng Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria
- Papa at Patriarkang Theodore II ng Alexandria, ang kasalukuyang Papa ng Griyegong Ortodokso
- Gregory XVIII, ang kasalukuyang Papa ng Palmarian Catholic
Antipapa
baguhinAng antipapa ay isang indibidwal na sa pagsalungat sa isang pangkalahatang nakikitang lehitimong inihalal na Papa ng Simbahang Katoliko Romano ay gumawa ng isang mahalagang nakikipagtunggaling pag-aangkin na maging Papa ng Simbahang Katoliko Romano[8] na Obispo ng Roma at pinuno ng Simbahang Katoliko Romano. Paminsan minsan sa pagitan ng ika-3 siglo CE at gitnang ika-15 siglo CE, ang mga antipapa ay sinuportahan ng isang katamtamang malaking paksiyon ng mga kardinal at mga sekular na hari at mga kaharian. Ang mga indibidwal na nag-aangking ang papa ngunit may kakaunting mga tagasunod gaya ng modernong mga antipapang sedebakantismo ay hindi inuuri bilang mga historikal na antipapa.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Walter A. Elwell, Evangelical Dictionary of Theology (Baker Academic 2001 ISBN 978-0-8010-2075-9), p. 888
- ↑ Thomas H. Greer, Gavin Lewis, A Brief History of the Western World (Cengage Learning 2004 ISBN 978-0-534-64236-5), p. 172
- ↑ Enrico Mazza, The Eucharistic Prayers of the Roman Rite (Liturgical Press 2004 ISBN 978-0-8146-6078-2), p. 63
- ↑ John W. O'Malley, A History of the Popes (Government Institutes 2009 ISBN 978-1-58051-227-5), p. xv
- ↑ Klaus Schatz, Papal Primacy (Liturgical Press 1996 ISBN 978-0-8146-5522-1), pp. 28-29
- ↑ Eusebius, Historia Ecclesiastica Book VII, chapter 7.7
- ↑ 7.0 7.1 7.2 Oxford Dictionary of the Christian Church (Oxford University Press 2005 ISBN 978-0-19-280290-3), article Pope
- ↑ "One who opposes the legitimately elected bishop of Rome, endeavours to secure the papal throne, and to some degree succeeds materially in the attempt" (Encyclopaedia Britannica: Antipope