Papa Esteban VI
Si Papa Esteban VI (namatay noong Agosto 897) ang papa ng Simbahang Katoliko Romano mula Mayo 22, 896 CE hanggang Agosto 897 CE. Siya ay ginawang obispo ng Anagni ni Papa Formoso. Ang mga sirkunstansiya ng kaniyang pagkahalal sa kapapahan ay hindi maliwanag ngunit siya ay inisponsoran ng isa sa pinakamakapangyarihang mga pamilyang Romano na sambahayan ng Spoleto na tumutol sa kapapahan sa panahong ito.
Papa Esteban VI | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 22 Mayo 896 |
Nagtapos ang pagka-Papa | Agosto 897 |
Hinalinhan | Boniface VI |
Kahalili | Romanus |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | ??? |
Kapanganakan | ??? ??? |
Yumao | Summer 897 ??? |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Stephen |
Si Esteban VI ay pangunahing kilalá sa kaniyang pag-aasal tungo sa mga labí ni Papa Formoso na kaniyang hinalinhan. Ang nabubulok na bangkay ni Formoso ay pinahukay at nilitis sa Sinod na Bangkay o Synodus Horrenda noong Enero 897 CE. Ang pagpipilit sa kontihente ng Spoleta at ang gálit ni Esteban sa kaniyang hinalinhan ang malamáng na nagtulak sa paglilitis na ito . Ang bangkay na Formoso ay inilagay sa isang trono at ang isang deakono ay hinirang upang sumagot para sa namatay na papa na kinondena sa pagsasagawa ng mga gawain ng isang obispo nang siya ay patalsikin sa trono at sa pagtanggap ng kapapahan habang obispo ng Porto at iba pang mga binuhay na kaso na ipinukol kay noong kapapahan ni Papa Juan VIII. Ang bangkay ay natagpuang nagkasala, tinanggalan ng mga sagradong kasuotan at tinanggalan ng tatlong mga daliri sa kanang kamay na mga kamay na pinangpapala, binihisan sa damit ng hindi klero at mabilis na inilibing. Ito ay muling hinukay at itinapon sa Tiber. Ang lahat ng mga ordinasyon na isinagawa ni Formoso ay pinawalang-bisa. Ang paglilitis na ito ay nagpanabik ng isang kaguluhan. Bagaman ang mga nagtulak nito ay aktuwal na mga kaaway ni Formoso ng Sambahan ng Spoleta na pinakilala ay si Guy VI ng Spoleta na nakuha ang kanilang autoridad sa Roma sa simula nang 897 sa pamamagitan ng pagsuko ng kanilang mas malawak na mga pag-aankin sa sentral na Italya, ang eskandalong ito ay nagwakas sa pagkakabilanggo ni Esteban VI at kaniyang kamatayan sa pamamagitan ng pagsakal.