Papa Sergio IV
Si Papa Sergio IV o Papa Sergius IV (namatay noong 12 Mayo 1012) na ipinanganak sa Roma bilang Pietro Martino Buccaporci ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 31 Hulyo 1009 hanggang sa kanyang kamatayan. Ang kanyang pangalan ng kapanganakan ay pinaniniwalaang Pietro Martino (Peter Martin) Buccaporci. Ito ay isinalin bilang Pedrong nguso ng baboy.[1] Si Buccaporci ay anak ng isang tagagawa ng sapatos na may pangalan ring Pietro. Sa kabilang ng kalagayang mahirap ng pamilya, siya ay mahusay na gumampan pagkatapos pumasok sa Simbahang at mabilis na umakyat sa mga ranggo. Noong 1004, siya ay naging obispo ng Albano. Sa abdikasyon ni Papa Juan XVIII noong 1009, siya ay hinalal na papa at kinuha ang pangalang Sergius IV. Ang kapangyarihang kanyang hinawakan ay kadalasang naliliman ni John Crescentius III na pinuno ng siyudad ng Roma sa panahong ito. Ang ilang mga historyan ay nag-angkin na si Sergio IV ay isang pinunong puppet para kay Crescentius III. Gayunpaman, ang ilan ay nag-angkin na kanyang sinalungat ang kapangyarihan ni Cresecentius III. May ilang ebidensiya na si Sergio IV ay nagbigay ng pagsuportang pampolitika sa isang paksiyong anti-Crescentius sa siyudad ng Roma.
Sergius IV | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 31 Hulyo 1009 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 12 Mayo 1012 |
Hinalinhan | John XVIII |
Kahalili | Benedict VIII |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Pietro Martino Buccaporci |
Kapanganakan | Unknown Rome, Papal States, Holy Roman Empire |
Yumao | Rome, Papal States, Holy Roman Empire | 12 Mayo 1012
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Sergius |
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.