Papa Urbano I
Si Papa Urbano I ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 14 Oktubre 222 hanggang 230 CE. Siya ay ipinanganak sa Roma at humalili kay Papa Calixto I na minartir. Sa loob ng mga siglo, siya ay pinaniwalaang minartir din ngunit kamakailang mga pagkakatuklas na historikal ay nagpaniwala sa mga skolar na siya ay namatay sa mga dahilang natural. Ang kanyang buhay ay nababalot ng misteryo na humantong sa maraming mga mito at miskonsepsiyon. Sa kabila ng kakulangan ng mga sanggunian, siya ang unang papa na ang paghahari ay depinidong mapepetsahan.[2] Ang dalawang mga prominente sanggunian para sa pagkapapa ni Urbano I ay ang Kasaysayan ng Simbahan ni Eusebio at isang inskripsiyon sa Coemeterium Callisti na nagpapangalan sa papa. Siya ay lumulok sa trono ng papa sa taon ng pagpaslang kay Emperador Elagabalus at nagsilbi sa paghahari ni Alexander Severus. Pinaniniwalaang ang pagkapapa ni Urbano I ay noong panahong mapayapa para sa mga Kristiyano sa Imperyo Romano dahil si Severus ay hindi nagtaguyod ng pag-uusig sa Kristiyanismo. Siya ay isang kanonisadong santo sa Simbahang Katoliko Romano at Silangang Ortodokso.
Papa San Urbano I | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 222 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 230 |
Hinalinhan | Calixto I |
Kahalili | Ponciano |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Urban |
Kapanganakan | Unknown Rome, Roman Empire |
Yumao | 23 May 230[1] Rome, Roman Empire |
Kasantuhan | |
Kapistahan | 25 May |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Urban |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Urban Ier in Catholic encyclopedia
- ↑ Kung, Hans. The Catholic Church: A Short History. New York; The Modern Library, 2003, p. 41
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.