Talataan
(Idinirekta mula sa Parapo)
Ang talata o talataan ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap[1] na naglalahad ng isang bahagi ng isang buong pagkukuro, palagay, o paksang-diwa.
Mga bahagi ng talata
- Panimulang talata – ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng komposisyon. Ang layunin nito ay ang ipahayag ang paksa ng komposisyon.
- Talatang ganap – makikita ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon. Tungkulin nito ang paunlarin ang pangunahing paksa.
- Talata ng paglilipat-diwa – mahalaga ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag sa mga talataan ng komposisyon. Ginagamit ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod na talata.
- Talatang pabuod – madalas na ito ang pangwakas na talata o mga talata ng komposisyon.
Mga sanggunian
- ↑ University of North Carolina at Chapel Hill. "Paragraph Development". The Writing Center (sa wikang Ingles). University of North Carolina at Chapel Hill. Nakuha noong 20 Hunyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)