Parker, Pennsylvania

Ang Parker ay isang lungsod sa Kondado ng Armstrong, kanlurang Pennsylvania, Estados Unidos. Ito'y nasa tabi ng Ilog Allegheny. Ipinangalan ito mula kay Hukom John Parker, isang pangunahing agrimensor ng Lawrenceburg at nagtatag ng Parker's Landing, ang dalawang nayon na isinama upang malikha ang lungsod ng Parker.

Parker, Pennsylvania
Ang bahaging Old Lawrenceburg ng Parker
Ang bahaging Old Lawrenceburg ng Parker
Palayaw: 
"Pinakamaliit na Lungsod sa Estados Unidos (Ingles: "Smallest City in the U.S.A.")
Kinaroroonan ng Parker sa Kondado ng Armstrong, Pennsylvania.
Kinaroroonan ng Parker sa Kondado ng Armstrong, Pennsylvania.
Kinaroroonan sa estado ng Pennsylvania
Kinaroroonan sa estado ng Pennsylvania
Mga koordinado: 41°5′39″N 79°40′58″W / 41.09417°N 79.68278°W / 41.09417; -79.68278
Bansa Estados Unidos
Estado Pennsylvania
CountyArmstrong
Itinatag1797
Nasapi1873
Pamahalaan
 • AlkaldeWilliam R. McCall. Jr.
Lawak
 • Kabuuan0.96 milya kuwadrado (2.48 km2)
 • Lupa0.96 milya kuwadrado (2.48 km2)
 • Tubig0.00 milya kuwadrado (0.00 km2)
Populasyon
 (2010)
 • Kabuuan840
 • Taya 
(2016)[2]
820
 • Kapal857.74/milya kuwadrado (331.04/km2)
Sona ng orasUTC-5 (EST)
 • Tag-init (DST)UTC-4 (EDT)
Kodigong FIPS42-57976

Minsang tinuturing ang Parker bilang "Pinakamaliit na Lungsod sa Estados Unidos." Ininkorporada ito bilang isang lungsod noong Marso 1, 1873, sa isang natatanging batas ng estado sa gitna ng biglaang paglago ng industriya-langis (oil boom) sa hilaga-kanlurang Pennsylvania. Ang bagong munisipalidad ay tinawag na "Parker" at binubuo ito ng mga naunang nayon ng Parker's Landing (sa may Ilog Allegheny) at Lawrenceburg (sa may matarik na pampang sa ibabaw ng ilog). Ipinalagay ng mga residente na madaling magiging pangunahing sentro ng populasyon ang Parker, at sa tugatog ng paglakas ng industriyang langis, lumago sa higit-20,000 ang populasyon ng Parker. Subalit ang biglang paglakas ay madaling napalitan ng matinding paghina at kahirapan sa ekonomiya, at pagsapit ng dekada-1880 bumalik ang "lungsod" sa dating laki pangnayon nito, na may populasyong mas-mababa sa 1,000.

Ayon sa senso noong 2010, may 840 katao ang lungsod ng Parker. Mas-mababa ito sa populasyon nitong 1,835 noong 1880. Itinataya na may 822 katao ang lungsod noong 2015.[3]

Demograpiya

baguhin
Historical population
TaonPop.±%
1880 1,835—    
1890 1,317−28.2%
1900 1,070−18.8%
1910 1,244+16.3%
1920 1,188−4.5%
1930 902−24.1%
1940 976+8.2%
1950 979+0.3%
1960 945−3.5%
1970 843−10.8%
1980 808−4.2%
1990 853+5.6%
2000 799−6.3%
2010 840+5.1%
2016 820−2.4%
Pagtataya 2016:[2]; U.S. Decennial Census:[4][5][6]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "2016 U.S. Gazetteer Files". United States Census Bureau. Nakuha noong 13 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Population and Housing Unit Estimates". Nakuha noong 9 Hunyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Annual Estimates of the Resident Population for Incorporated Places: April 1, 2010 to July 1, 2015". Nakuha noong 2 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Census of Population and Housing". U.S. Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 12, 2015. Nakuha noong 11 Disyembre 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "American FactFinder". United States Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-11. Nakuha noong 31 Enero 2008. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Incorporated Places and Minor Civil Divisions Datasets: Subcounty Resident Population Estimates: April 1, 2010 to July 1, 2012". Population Estimates. U.S. Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 17, 2013. Nakuha noong 11 Disyembre 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)