Parole
Ang parole ay maaaring magkaroon ng iba't ibang mga kahulugan depende sa larangan at sistema ng hudikatura. Ang lahat ng mga kahulugan nito ay nagmula sa salitang Pranses na parole("boses", "sinalitang salita"). Kasunod ng paggamit nito sa huling muling binuhay na Anglo-Pranses na pagsasanay pang-kabalyero, ang terminong ito ay naugnay sa pagpapalabas ng mga bilanggo sa bilangguan batay sa pagbibigay ng mga bilanggong ng palabra de honor na ang mga ito ay susunod sa mga restriksiyon. Ang isang minungkahing reporma ay ang bonong parole ay maaaring gamitin upang hikayatin ang mga isinasakdal na hindi na muling magkasala. Ang parole ay hindi dapat ikalito sa probasyon dahil ang parole ay pagsisilbi ng natitirang hatol sa labas ng bilangguan samantalang ang probasyon ay ibinibigay imbis na sa hatol na pagkabilanggo at sa gayon ay may kagawiang maglagay ng mas mahigpit na mga obligasyon sa indibidwal na nagsisilbi ng termino ng probasyon.