Ang Talapamana ng Pilipinas[1] (Ingles: Philippine Registry of Cultural Property, lit. na 'Patalaan ng mga Ari-Ariang Kultural ng Pilipinas') ay ang pambansang patalaan ng Pamahalaan ng Pilipinas ng mga ari-ariang kultural na itinuturing na mahalaga sa pamanang kultural ng Pilipinas.

Pagkakatatag

baguhin

Ang nasabing patalaan ay itinatag sa pamamagitan ng Batas sa Pambansang Pamanang Kultural ng 2009 (Batas Republika Blg. 10066) Seksiyon 14 na nagsasabing "Lahat ng ari-ariang kultural ng bansa na itinuturing na mahalaga sa pamanang kultural ay dapat ipatala sa Rehistro ng Ari-ariang Kultural ng Pilipinas."[2]

Implementasyon

baguhin

Ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ang inatasang magtatatag at magpapanatili ng patalaan, kasama ang angkop na mga ahensiyang kultural at mga yunit ng lokal na pamahalaan, sa loob ng tatlong taon pagkatapos maisabatas ang Batas Republika Blg. 10066. Sinasaad sa nasabing batas ang mga panuntunan sa pagpaparehistro ng ari-ariang kultural ay ang mga sumusunod:

(a) Lahat ng kinauukulang ahensiyang kultural ay magpapanatili ng kani-kanilang imbentaryo, ebalwasyon at dokumentasyon ng lahat ng ari-ariang kultural na naideklara nito ayon sa kanilang kategorya at isusumite ang nabanggit sa Komisyon. Para sa ari-ariang kultural na idineklara bilang Di-nagagalaw na Ari-ariang Kultural, ang angkop na ahensiyang kultural pagkaraan ng pagrehistro, ay magbibigay ng karampatang abiso sa tanggapan ng Registry of Deeds na may hurisdiksiyon sa paglalagay ng anotasyon sa mga titulo ng mga lupa na nauukol sa nabanggit;

(b) Ang mga yunit ng lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng mga tanggapang kultural nito, ay magpapanatili rin ng imbentaryo ng ari-ariang kultural na nasa hurisdiksiyon nito, at bibigyan ng kopya ang Komisyon ng nabanggit;

(c) Ang mga kinauukulang ahensiyang kultural at mga yunit ng pamahalaang lokal ay kapuwa patuloy na mag-uugnayan sa pagpapasok ng mga entri o entrada at pagsubaybay sa iba’t ibang ari-ariang kultural sa kani-kanilang imbentaryo;

(d) Lahat ng ahensiya ng pamahalaan at mga sangay, mga korporasyong pag-aari at/o kontrolado ng pamahalaan at mga subsidiyaryo nito, mga pampubliko at pribadong institusyong pang-edukasyon, ay mag-uulat ng pagmamay-ari nito at/o pagtataglay ng gayong mga aytem sa kinauukulang ahensiyang kultural at dapat iparehistro ang gayong mga ari-arian sa loob ng tatlong (3) taon mula sa pag-iral ng Batas na ito;

(e) Ang mga pribadong kolektor at may-ari ng ari-ariang kultural ay magrerehistro ng gayong mga ari-arian sa loob ng tatlong (3) taon mula sa pag-iral ng Batas na ito. Ang mga pribadong kolektor at may-ari ng ari-ariang kultural ay hindi dapat alisan ng pagkakaroon at pagmamay-ari ng mga iyon kahit pagkatapos ng rehistrasyon ng nabanggit na ari-arian gaya ng dito ay hinihingi. Ang mga impormasyon sa mga rehistradong ari-ariang kultural na pag-aari ng mga pribadong indibidwal ay mananatiling kumpidensiyal at maipagkakaloob ng pribadong may-ari. Ang Komisyon ang mangangasiwa sa Rehistro na nasa NCCA Portal Cultural Databank.

Paksa ng Pagmamay-ari

baguhin

Nilinaw sa pagsasabatas ng Batas Republika Blg. 10066 na hindi nalilipat ang pagmamay-ari ng mga kinikilalang mahahalagang ari-ariang kultural ng Pilipinas, sa estado.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "TALAPAMANA". Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Nakuha noong 2022-11-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. Seksiyon 14, Batas Republika Blg. 10066 Naka-arkibo 2018-07-19 sa Wayback Machine.. "Batas sa Pambansang Pamananang Kultural ng 2009."
  3. Ivan Anthony Henares. "No ownership change in 'RA 10066 declaration'". Philippine Daily Inquirer. Retrieved 2011-01-01.

Panglabas na kawing

baguhin