Patrice Lumumba
Si Patrice Émery Lumumba o Patrice Emergy Lumumba[1] (2 Hulyo, 1925 – 17 Enero, 1961) ay isang Aprikanong pinuno na laban sa kolonyalismo at unang legal na nahalal sa pagka-Punong ministro ng Republika ng Congo makaraan niyang tumulong sa pagkakamit ng kasarinlan mula sa Belgium noong Hunyo 1960. Makaraan lamang ang sampung linggo, naalis ang pamahalaan ni Lumumba dahil sa isang coup d'etat noong panahon ng Krisis ng Congo. Ipinakulong siya at sumailalim sa isang pataksil na pagpaslang.
Patrice Lumumba | |
---|---|
Unang Punong Ministro ng Demokratikong Republika ng Congo | |
Nasa puwesto 24 Hunyo 1960 – 14 Setyembre 1960 | |
Diputado | Antoine Gizenga |
Nakaraang sinundan | Pamahalaang kolonyal |
Sinundan ni | Joseph Ileo |
Personal na detalye | |
Isinilang | 2 Hulyo 1925 Onalua, Katakokombe, Congong Belhiyako |
Yumao | 17 Enero 1961 Elisabethville, Katanga | (edad 35)
Partidong pampolitika | MNC |
Talambuhay
baguhinIsinilang ang makabayang pinunong Kongoles na ito sa Katakokombe, lalawigan ng Kasai. Bilang pinuno ng Mouvement National Congolais, sinubukan niyang magkaroon ng pagkakaisa sa Congo, na tinatanggihan ang pagkakaroon ng kasarinlan ng lalawigan ng Katanga noong Hulyo 1960. Naalis siya sa tungkulin dahil sa coup ni Koronel Joseph-Désiré Mobutu (kilala rin bilang Mobutu Sese Seko at Mobutu Sese Seko Nkuku Ngbendu wa Za Banga) noong Setyembre 1960 at ibinilanggo sa kaniyang sariling tahanan. Nakatakas siya subalit muling nahuli, at inilipad sa Elisabethville, Katanga, kung saan muli siyang nakatakas ngunit inihayag na napatay ng kaniyang mga kaaway sa politika.[1]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Patrice Emergy Lumumba". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)