Patunay sa pamamagitan ng halimbawa

Ang pagpapatunay sa pamamagitan ng halimbawa o hindi angkop na paglalahat ay isang palasiyang lohikal kapag ang isa o higit pang mga halimbawa ay inaangkin bilang patunay para sa isang mas pangkalahatang pahayag.

Halimbawa

baguhin
  • Alam ko na ang x na isang kasapi ng pangkat na X ay may katangiang P. Kaya, ang lahat ng ibang mga elemento ng X ay may katangiang P.
  • Nakita ko ang isang taong pumatay ng isang tao. Kaya ang lahat ng mga tao ay mamamatay tao.
  • Nakita ko ang mga gypsy na nagnakaw. Kaya, ang lahat ng mga gyspy ay magnanakaw.

Kapag balido

baguhin

Ang argumento sa pamamagitan ng halimbawa ay balido kapag ito ay humahantong mula sa isang singular na premisa tungo sa eksistensiyal na konklusyon. Halimbawa

Si Socrates ay matalino.
Kaya, ang isang tao ay matalino.

Ito ay impormal na bersiyon ng patakarang lohikal na eksistensiyal na introduksiyon o ekistensiyal na paglalahat. Sa pormal na paglalarawan ay: