Ang mga kesong Pecorino ay matitigas na kesong Italyano na gawa sa gatas ng tupa. Ang pangalang "pecorino" ay nangangahulugan lamang ng "ovine" o "ng tupa" sa Italyano.[1]

Tradisyon

baguhin
 
Pecorino ng Filiano

Ang isang varyant mula sa Timog Italya ay pecorino pepato (literal, "pinamintang Pecorino"), kung saan idinagdag ang mga itim na paminta. Ngayon maraming iba pang dinadagdag ang ginawa, halimbawa mga nogal, rocket, o maliliit na piraso ng puti o itim na trufa.

Sa Sardinia, ang larvae ng langaw ng keso ay sadyang idinadagdag sa pecorino sardo upang makabuo ng isang lokal na uri ng pagkain na tinatawag na casu marzu, na nangangahulugang "bulok na keso".

Ang mga pagkain ay maaaring tapusin ng isang mahusay na pecorino stagionato, sinasamahan ng mga peras at mga nogal o nilalagyan ng malakas na honey mula sa kastanyas. Ang pecorino ay madalas ding ginagamit bilang pagtatapos sa mga putaheng pasta, at ginamit na natural na pagpipilian para sa karamihan sa mga rehiyon ng Italya mula sa Umbria hanggang sa Sicilia, kaysa sa mas mahal na Parmigiano-Reggiano. Mas ginugusto pa rin ito ngayon para sa mga putahe ng pasta ng Roma at Lazio, halimbawa ng pasta na nilagyan ng sugo all'amatriciana, cacio e pepe, at pasta alla Gricia.

Mga sanggunian

baguhin
  1. pecorino, n. OED Online. December 2013. Oxford University Press. Accessed 7 January 2014.
baguhin
  •   May kaugnay na midya ang Pecorino sa Wikimedia Commons