Pedolohiya (lupa)

(Idinirekta mula sa Pedolohiya (aral sa lupa))

Ang pedolohiya (Ingles: pedology, mula sa Griyegong πέδον, pedon, "lupa"; at λόγος, logos, "pag-aaral") ay ang pag-aaral ng mga lupa sa kanilang likas na kapaligiran.[1] Ito ang isa sa dalawang pangunahing mga sangay ng agham panlupa, ang isa pa ay ang edapolohiya. Nakatuon ang pedolohiya sa pedohenesis, morpolohiya ng lupa, at klasipikasyon ng lupa, habang ang edapolohiya ay nag-aaral ng paraan kung paano naiimpluwensiyahan ang lupa ng mga halaman, halamang-singaw, at iba pang mga bagay na may buhay. Ang mga dalubhasa sa larangang ito ay tinatawag na pedologo kung lalaki, pedologa kung babae, o pedolohista.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ronald Amundsen. "Soil Preservation and the Future of Pedology" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-06-12. Nakuha noong 2006-06-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.