Penelope (pelikula noong 2006)
Ang Penelope ay isang pantasya/romantikong komedya na pelikula sa direksyon ni Mark Palansky. Ang mga pangunahing tauhan ay sila Christina Ricci, James McAvoy at Reese Witherspoon.
Buod
baguhinAng Penelope ay kwento ng isang batang babae na natutong tanggapin ang kanyang pagkatao kahit pa mayroong diperensya ang kangyang itsura.
Si Penelope Wilhern ay isang batang babae mula sa isang mayaman na pamilya na mayroon lahat ng katangian para maging kabiyak ng sino mang lalaki na kasing antas nya sa buhay.Subalit,nagging sagabal doon ang kanyang ilong at tenga na parang sa baboy.Dahil dito natakot ang kanyang ina na makita siya ng ibang tao dahil sa pangungutya na maari niyang matanggap.
Henerasyon na ang nakakalipas,isang bruha ang naglagay ng sumpa sa pamilya ng mga Wilhern dahil ang kanilang mga anak na lalaki ay nabuntis ang anak ng bruha,isa sa kanilang mga katulong.Gustong pakasalan ng lalaki ang anak ng bruha ngunit ayaw ng pamilya niya kaya pinakasal siya sa ibang babae.Dahil doon ay nagpakamatay ang anak ng bruha at naging dahilan ng pagsusumpa ng kanyang ina sa pamilya ng Wilhern.Ang naging sumpa ay magkakaroon ng katangian ng baboy ang susunod na ipapanganak na babae mula sa pamilyang Wilhern.Sa limang henerasyon,puro lalaki ang mga naipanganak hanggang dumating ang oras na ipinanganak si Penelope at natupad ang sumpa.Matatanggal lamang ang sumpa kung magkakaroon ng lalaki na magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang kalagayan.
Sinusundan ni Lemon,isang tabloid reporter,ang mga Wilhern upang makakuha ng larawan ng batang si Penelope at dahil dito pineke ng kangyang mga magulang ang kanyang pagkamatay upang malayo siya sa posibleng panganib.Nilayo si Penelope sa mansion at nagaral siya ng literature at musika.Sa pagdadalaga ni Penelope,tinangka ng kanyang mga magulang na ipakilala siya sa kanyang mga posibleng manliligaw,umaasa na isa sa kanila ang magmamahal sa kanilang anak.Ngunit lahat ng nakakakita sa kanyang kalalakihan ay tumatakbo palayo at di na bumabalik pa.Isa sa kanila ay si Edward Humphrey Vanderman III,isang mayaman na binata na masama ang ugali.
Ang pagtakbo papalayo ni Vanderman mula sa bahay ng mga Wilhern ay naging dahilan ng paglaganap ng isang artikulo ng naglalaman ng paninira sa kanya.Upang maprotektahan ang kanyang pangalan,nagkaron sila ng kasunduan ni Lemon upang makahanap ng tao na pwedeng bumalik sa mansion para makakuha ng larawan ni Penelope.Kinontrata nila si Johnny Martin,isang sugalero.Pumayag si Martin sa kasunduan .Sa pagpunta ni Martin sa mansyon,naisip nya na di karapatdapat gawin ang masamang balak nila kay Penelope at siya ay tumiwalag.Akala ni Penelope na natakot din sa kanya si Martin kaya siya ay naglayas at nakalabas sa mansyon sa unang pagkakataon.Dahil sa kawalan ng pera,binigyan nya ng kanyang larawan sina Lemon at Vanderman dahil sa kapalit na pera na alok ng mga ito.
Naging inspirasyon si Penelope kay Martin kaya tinigilan na niya ang pagsusugal at nagtrabaho sa isang lumang teatro.
Ang ama ni Vanderman ay nagustuhan si Penelope para sa kanyang anak ,kaya sinabihan niya ito na magpakasal kay Penelope.Muntikan na silang maikasal ngunit tumanggi si Penelope.Tinanggap niya ang kanyang sarili kesa pakasalan si Vanderman at dahil dun ay nawala ang sumpa at nagmukha na siyang normal.
Si Penelope ay naging horticulturist at isang guro.Nakalimutan na rin ng publiko ang kanyang kakaibang itsura dati.Pagsapit ng Halloween,nakita niya ang mga bata na mayroong suot na maskara na katulad ng kanyang itsura dati.Hinanap niya si Martin,na walang alam sa kanyang pagbabago.Humingi siya ng patawad kay Penelope dahil hindi nya naputol ang sumpa,ngunit mahal pa niya ito.Tinanggal ni Penelope ang kanyang maskara at nakita na ni Martin ang pagbabago. Nagtapos ang pelikula sa senaryo kung saan magkasama sina Martin at Penelope.Nasa may paligid lang uli si Martin dahil gusto uli niyang kumuha ng larawan ngunit ng makita niya ang kasiyahan ng dalawa ay tumigil na rin siya.
Mga aktor
baguhin Christina Ricci bilang Penelope Wilhern James McAvoy bilang Johnny Martin ("Max Campion") Catherine O'Hara bilang Jessica Wilhern Richard E. Grant bilang Franklin Wilhern Ronni Ancona bilang Wanda Peter Dinklage bilang Lemon Simon Woods bilang Edward Humphrey Vanderman III Nigel Havers bilang Edward Vanderman II Burn Gorman bilang Larry Russell Brand bilang Sam Reese Witherspoon bilang Annie John Voce bilang Duty Cop Nick Frost bilang Max Campion
Produksyon
baguhinAng produksiyon ng Penelope ay nagsimula noong 2006 sa London.Ayon sa Internet Movie Database ito ay ginawa sa United Kingdom.Una itong pinalabas noong 2006 sa Toronto International Film Festival. Ito ay orihinal na binili ng The Weinstein Company at IFC Films,ngunit ng maiba ang release date ay binatawan na ng dalawang studyo.Dahil doon kinuha ito ng Summit Entertainment.