Pentimento
Ang pentimento (maramihan: pentimenti) ay pagbabago sa pintang-larawan, kung saan makikita ang bakás ng dating gawâ na nagpapakita na nagbago ng isip ang pintor sa kayarian nito habang ipinipinta. Ang salita ay hango sa Italyano na ibig sabihin ay "pagsisísi", mula sa pandiwang pentirsi na nangangahulugang "magsisi".