Percy Jackson & the Olympians

Ang Percy Jackson & the Olympians, madalas na pinaiiklian bilang Percy Jackson, ay isang serye ng limang mitolohiyang Griyegong-katha, abentura at pantasyang mga nobela na isinulat ng Amerikanong manunulat na si Rick Riordan. Higit sa 40 milyong mga kopya ng mga libro na ang naibenta sa higit na 35 mga bansa.

Percy Jackson & the Olympians
May-akdaRick Riordan
Artista ng pabalatJohn Rocco (simula 2006 o 2007)
BansaEstados Unidos
WikaIngles
UriMitolohiyang Griyegong-katha, pantasya, abentura at panitikang pambata
TagalathalaDisney Hyperion (early volumes originally Miramax Books)
Inilathala2005–2009
Uri ng midyaPrint (hardcover and paperback), e-book, audiobook
Bilang ng mga aklat5

Noong 28 Oktubre 2011, nalagay ang serye sa New York Times Bestseller na listahan ng 223 linggo para sa mga pambatang librong serye. Iniangkop ang unang libro sa isang pelikulang pinamagtan na Percy Jackson & the Olympians: The Lightning Thief, na nakakamit ng pangkalakalang tagumpay, ngunit nakatanggap ng halo-halong pagsusuri. Nagkaroon din ng isang pagaangkop ang ikalawang libro, na pinamagatang Percy Jackson: Sea of Monsters, na inilabas noong 2013.

Mga aklat

baguhin

The Lightning Thief

baguhin

Ang The Lightning Thief ang unang nobela sa serye at inilathala noong 1 Hulyo 2005.

Nang makauwi mula sa kanyang paupahang paaralan para sa tag-init, ni Percy at ang kanyang inang si Sally Jackson ay naglakbay papunta sa kanilang kabanya sa Montauk. Gayunpaman, ang biyahe nila ay nauudlot at pagkatapos ng isang serye ng mga nakakabagabag na mga insidente tulad ng pagatake ng isang minotauro, nahanap ni Percy ang kanyang sarili sa Camp Half-Blood, isang kampo ng pagsasanay para sa mga kalahating diyos na tulad niya. Nadiskubre niya na siya ay isang kalahating diyos na anak ni Poseidon, ang Griyegong diyos ng dagat, lindol at ama ng lahat ng mga kabayo; na ang kanyang matalik na kaibigan na si Grover ay isa palang satiro at na ang mga Griyegong diyos ay inaakusahan siya ng pagnanakaw ng kidlat ni Zeus (ang pinaka-makapangyarihang sandata sa mundo). Upang malinis ang kanyang pangalan at iligtas ang mundo mula sa isa pang digmaan sa pagitan ng mga Olimpiyano na mga diyos, nagtakda siya upang mabawi ang kidlat ni Zeus mula kay Hades, na pinaniniwalaan nilang ang tunay na magnanakaw. Sa gayon, si Percy Jackson at ang kanyang mga kasamahan na sina Grover Underwood at Annabeth Chase, anak ni Athena, ay nagsimula ng isang paglalakbay patungo sa Mundong Ilalim, humaharap ng maraming mga mitolohikal na halimaw sa daan. Matapos harapin ang isang inosenteng Hades, nalaman nila na ang kanilang kaibigan na si Luke Castellan, anak ni Hermes, ang tunay na magnanakaw ng kidlat upang mabigyan ng pagkakataon si Kronos, ang nagaping hari ng mga Titan, ng isang pagkakataon upang muling makabangon.

Ang nobela ay inangkop sa isang pelikula ni Chris Columbus at ng 20th Century Fox, sa ilalim ng pamagat na Percy Jackson & the Olympians: The Lightning Thief, at ipinalabas noong 12 Pebrero 2010.

The Sea of Monsters

baguhin

Ang The Sea of Monsters ang ikalawang nobela sa serye, inilathala noong 1 Abril 2006.

Ang nobela ay inangkop sa isang pelikula ni Thor Freudenthal at ng 20th Century Fox, sa ilalim ng pamagat na Percy Jackson: Sea of Monsters, at ipinalabas noong 7 Agosto 2013.

The Titan's Curse

baguhin

Ang The Titan's Curse ay ang ikatlong nobela sa serye. Ito ay inilathala noong 11 Mayo 2007.

Sa isang misyon upang iligtas ang mga kalahating dugo na sina Bianca at Nico di Angelo, sina Percy, Annabeth, Thalia at Grover ay inatake ng isang manticore at iniligtas ng diyosang si Artemis at ng kanyang mga Mangangaso.

The Battle of the Labyrinth

baguhin

Ang The Battle of the Labyrinth ang ikaapat na nobela sa serye. Ito ay inilathala noong 6 Mayo 2008.

Matapos atakihin ng mga halimaw, bumabalik si Percy sa Camp Half-Blood at natutunan ang tungkol sa Laberinto. Nakahanap sina Annabeth at Percy ng pasukan sa Laberinto sa kampo. Nabatid ni Percy na gagamitin ni Luke ang pasukan upang pamunuan ang kanyang hukbo sa pamamagitan ng Laberinto diretso sa gitna ng kampo. Pinili si Annabeth na mamuno ng misyon upang mapigilan ito, at pinipili niyang dalhin sina Tyson, Percy, at Grover, kahit na tradisyonal na magdala lamang ng dalawang kasamahan sa isang ekspedisyon, sa pagpaliwanag ni Chiron. Habang nasa Laberinto, si Percy at Annabeth ay nahiwalay kayna Grover at Tyson.

The Last Olympian

baguhin

Ang The Last Olympian ang ikalima at huling libro sa seryeng Percy Jackson, ay inilathala noong 5 Mayo 2009.

Karagdagang mga gawa

baguhin

The Demigod Files

baguhin

Ang Demigod Files, na isinulat din ni Rick Riordan, ay ang unang kasamang libro ng serye. Ito ay inilathala noong 10 Pebrero 2009, na nagtatampok ng tatlong maikling kuwento, mga panayam sa mga taga-kampo, mga palaisipan at mga larawan. Ito ay nakatakda sa pagitan ng The Battle of the Labyrinth at ng The Last Olympian.

Heroes of Olympus

baguhin

Ang Heroes of Olympus ay isang karugtong na serye, batay din sa Camp Half-Blood at sa sansinukob ng Griyegong mitolohiya at Romanong mitolohiya. Ang unang aklat na The Lost Hero ay inilathala noong 12 Oktubre 2010. Tulad ng unang serye, mayroon itong limang mga libro.