Permission to Dance

Ang "Permission to Dance"

"Permission to Dance"
Single ni BTS
A-side"Butter"
Nilabas9 Hulyo 2021 (2021-07-09)
TipoDance-pop
Haba3:07
Tatak
Manunulat ng awit
Prodyuser
  • Steve Mac
  • Jenna Andrews
  • Stephen Kirk
BTS singles chronology
"Butter"
(2021)
"Permission to Dance"
(2021)
"My Universe"
(2021)
Music video
"Permission to Dance" sa YouTube
lit. na

Pahintulot na Sumayaw ay isang kanta ng Timog Koreanong boy band na BTS. Ito ay inilabas sa pamamagitan ng Big Hit Music at Sony Music noong 9 Hulyo 2021, bilang isang stand-alone na single. Ang kanta ay isinama din bilang bahagi ng CD release ng nakaraang single ng grupo na "Butter", at ito ang ikatlong single ng banda sa wikang Ingles.

Komposisyon

baguhin

Ang "Permission to Dance" ay isinulat ni Ed Sheeran, Johnny McDaid, Steve Mac, at Jenna Andrews, na ang produksiyon ay pinangangasiwaan nina Mac at Andrews kasama si Stephen Kirk.[1] Si Sheeran ay dating kapuwa nagsulat ng "Make It Right", mula sa Map of the Soul: Persona (2019) ng BTS.[2] Una nang inilarawan ng Big Hit na ang kanta ay "magpapatibok ng puso mo sa ritmo ng positibong enerhiya ng BTS".[3] Ang kanta ay inilarawan bilang isang kantang upbeat dance-pop.[3]

Pagpapalabas

baguhin

Noong 21 Mayo 2021, inilabas ng BTS ang kanilang pangalawang single sa wikang Ingles na "Butter" sa kritikal at komersiyal na tagumpay.[4] Ang kanta ay unang inilabas nang digital, bilang isang cassette, at bilang isang 7-pulgadang vinyl.[5] Noong Hunyo 15, inihayag ng BTS ang isang CD release ng "Butter" kasabay ng anunsiyo para sa isang bagong kanta.[3] Noong Hunyo 27, isiniwalat ni Ed Sheeran sa isang panayam sa Most Requested Live na sumulat siya ng isang kanta para sa BTS, na nagsasabi na "Sa totoo ay lumika ako kasama ng BTS kasama ng kanilang huling record, at nagsulat ako ng isang kanta para sa kanilang bagong record"[2] Noong Hulyo 1, inihayag ng grupo ang tracklist para sa paglabas ng CD, na inihayag ang pamagat ng kanta bilang "Permission to Dance".[6] Ang kanta ay inilabas noong 9 Hulyo 2021, kasama ang instrumental nito.[7][8]

Music video

baguhin

Sa music video, makikita ang mga miyembro ng banda na sumasayaw sa maraming tagpuan kabilang ang, maaraw na lugar, labahan, at patio.[3] Ang video ay nakakuha ng 72.3 milyong view sa unang araw nito, na naging ikaanim na pinakapinanood na video sa YouTube sa unang 24 na oras sa oras ng paglabas nito.[9]

Mga papuri

baguhin

Hindi tulad ng mga nakaraang single, ang BTS ay hindi dumalo sa anumang mga programang pangmusika upang ipatampok ang kanta,[10] ngunit nanalo pa rin ng walong tropeong unang puwesto, at nakamit ang isang triple crown sa Inkigayo.[kailangan ng sanggunian]

Mga parangal sa mga programang pangmusika
Programa Network Petsa (8 kabuuan) Sang.
Show! Music Core MBC 17 Hulyo 2021 [11]
Inkigayo SBS 18 Hulyo 2021 [12]
8 Agosto 2021 [13]
15 Agosto 2021 [14]
Show Champion MBC M 21 Hulyo 2021 [15]
28 Hulyo 2021 [16]
Music Bank KBS 23 Hulyo 2021 [17]
30 Hulyo 2021 [18]
Melon Popularity Award
Parangal Petsa (2021) Sang.
Lingguhang Popularity Award Hulyo 19
Hulyo 26
Agosto 2
Agosto 9
Agosto 16

Mga kredito at tauhan

baguhin

Mga kredito na hinango mula sa Tidal.[19]

  • BTS – primaryang mga boses
  • Ed Sheeran – pagsusulat ng kanta
  • Johnny McDaid – pagsusulat ng kanta
  • Steve Mac – pagsusulat ng kanta, produksiyon
  • Jenna Andrews – pagsusulat ng kanta, produksiyon, produksiyon ng boses
  • Stephen Kirk – produksiyon, produksiyon ng boses
  • Chris Laws – inhinyero ng tunog
  • Dan Pursey – inhinyero ng tunog
  • Juan Pena – inhinyero ng tunog
  • Keith Perry – inhinyero ng tunog
  • Rob Grimaldi – inhinyero ng tunog
  • Pdogg – inhinyero ng tunog, pag-aayos ng boses
  • John Hanes – inhinyero ng tunog
  • Serban Ghenea – inhinyero ng mixing
  • Chris Gehringer – inhinyero ng mastering

Mga sanggunian

baguhin
  1. Skinner, Tom (Hulyo 1, 2021). "BTS tease new Ed Sheeran collaboration 'Permission To Dance'". NME. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 2, 2021. Nakuha noong Hulyo 3, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Kaufmann, Gil (Hunyo 29, 2021). "Ed Sheeran Reveals He's Written Another Song For BTS & Is a Big Olivia Rodrigo Fan". Billboard. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 4, 2021. Nakuha noong Hulyo 3, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Yeo, Gladys (Hunyo 15, 2021). "BTS to release a new song on upcoming physical CD of 'Butter'". NME. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 15, 2021. Nakuha noong Hulyo 3, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Citations regarding the critical and commercial success of "Butter":
  5. Kaufmann, Gil (Mayo 7, 2021). "BTS Dropping Limited-Edition Version of 'Butter' on Cassette/Vinyl". Billboard. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 17, 2021. Nakuha noong Hulyo 3, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Kaufmann, Gil (Hulyo 1, 2021). "BTS Unveils 'Butter' CD Single Tracklist, and It Includes the New Ed Sheeran Collab". Billboard. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 1, 2021. Nakuha noong Hulyo 3, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Mamo, Heran (Hulyo 9, 2021). "BTS Releases 'Permission to Dance' From 'Butter' CD Single: Stream It Now". Billboard. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 9, 2021. Nakuha noong Hulyo 9, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Permission to Dance – Single by BTS". Apple Music. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 9, 2021. Nakuha noong Hulyo 9, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. McIntyre, Hugh (Hulyo 11, 2021). "BTS's 'Permission To Dance' Scores One Of The 10 Largest Debuts In YouTube History". Forbes. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 12, 2021. Nakuha noong Hulyo 29, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Yeon, Hee-sun (Agosto 15, 2021). '인기가요' 방탄소년단 1위, 출연 없이도 트리플 크라운...효연 'Second' 컴백 [종합] ['Inkigayo' BTS 1st place, triple crown without appearance... Hyoyeon's 'Second' comeback [General]]. Osen (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 24, 2021. Nakuha noong Setyembre 12, 2021 – sa pamamagitan ni/ng Naver.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Hwang, Soo-yeon (Hulyo 17, 2021). '음악중심' 방탄소년단, 에스파·MSG워너비 꺾었다…출연 없이 1위 [종합] ['Music Core' BTS defeated Aespa and MSG Wannabe... 1st place without appearance [Overall]]. X Sports News (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 17, 2021. Nakuha noong Hulyo 17, 2021 – sa pamamagitan ni/ng Naver.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Oh, Yoon-joo (Hulyo 18, 2021). '인기가요' 방탄소년단, '퍼미션 투 댄스'로 출연 없이도 1위 [종합] ['Inkigayo' BTS, 'Permission to Dance' took first place without appearing [General]]. My Daily (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 18, 2021. Nakuha noong Hulyo 18, 2021 – sa pamamagitan ni/ng Naver.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Shin, So-won (Agosto 8, 2021). 방탄소년단 '퍼미션 투 댄스', '인기가요' 1위 [BTS 'Permission to Dance', wins 1st place on 'Inkigayo']. Ten Asia (sa wikang Koreano). Nakuha noong Agosto 8, 2021 – sa pamamagitan ni/ng Naver.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Kim, Mi-ji (Agosto 15, 2021). '인기가요' 방탄소년단, 'PTD'로 트리플크라운…더보이즈·박지훈·효연 컴백[종합] ['Inkigayo' BTS, triple crown with 'PTD'... The Boyz·Park Ji-hoon·Hyo-yeon comeback [General]]. X Sport News (sa wikang Koreano). Nakuha noong Agosto 15, 2021 – sa pamamagitan ni/ng Naver.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. SHOW CHAMPION 402회 TOP5 [SHOW CHAMPION Episode 402 TOP 5]. MBC Plus (sa wikang Koreano). Hulyo 21, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 21, 2021. Nakuha noong Hulyo 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. SHOW CHAMPION 403회 TOP5 [SHOW CHAMPION Episode 403 TOP 5]. MBC Plus (sa wikang Koreano). Hulyo 28, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 28, 2021. Nakuha noong Hulyo 28, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Lee, Seo-eun (Hulyo 23, 2021). 방탄소년단, 에스파 꺾고 1위… 공민지 컴백 (뮤직뱅크) [종합] [BTS beat Aespa to take 1st place... Gong Minji Comeback (Music Bank) [General]]. X Sports News (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 23, 2021. Nakuha noong Hulyo 23, 2021 – sa pamamagitan ni/ng Naver.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 7월 4주순위 [Music Bank ranking for the fifth week of July]. KBS Music Bank (sa wikang Koreano). Hulyo 30, 2021. Nakuha noong Hulyo 30, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "BTS – Butter / Permission to Dance – Credits". Big Hit, Sony. Hulyo 9, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 9, 2021. Nakuha noong Hulyo 9, 2021 – sa pamamagitan ni/ng Tidal.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)