Ang paningin o pananaw, kilala rin bilang kamalayang pampaningin at persepsiyong biswal, ay ang kakayanang makapaunawa o makapagpaliwanag ng kabatiran at mga kapaligiran mula sa epekto ng liwanag na nakikita na umaabot sa mata. Ang kinalalabasang kamalayan o persepsiyon ay nakilala rin bilang kakayahang makakita, bisyon, o kakayahang makatanaw (anyong pang-uri: biswal, optikal, o okular). Ang samu't saring baha-bahaging pisyolohikal na kasangkot sa paningin ay tinutukoy bilang isang pangkat sa katawagang sistema ng paningin, at napagtuunan ng maraming pananaliksik sa sikolohiya, agham na kognitibo (agham ng paglilimi), neurosiyensiya, at biyolohiyang molekular (biyolohiyang pangmolekula).


AnatomiyaTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.