Ubong-dalahit
Ang ubong-dalahit[1] o tuspirina[2] (Ingles: whooping cough, /ˈhuːpɪŋ kɒf/ o /ˈhwuːpɪŋ kɒf/, literal na "ubong pahiyaw" o "ubong pasigaw", na may kahulugang "ubong padalahit"; Kastila: tos ferina, tosferina, tos convulsiva; ; pangalang medikal: pertussis) ay isang uri ng karamdamang may ubo na nagsasanhi ng kamatayan sa humigit-kumulang sa 300,000 katao sa buong mundo bawat taon, mula sa 30–50 mga milyong mga kaso taun-taon. Mayroong isang bakunang makapagpapaiwas na magkaroon ng tusperina, kung kaya't ang karamihan sa mga kaso nito ay nasa mga pook kung saan ang mga tao ay walang kakayanang bumili, o hindi makakuha, ng bakuna. Subalit, ang bakunang ito ay hindi pangwalang-hanggan. Ang sakit na ito ay tumatagal nang humigit-kumulang sa 6 na mga linggo, at ang mga sintomas ay kinabibilangan ng pagsusuka, marahas na pag-ubo, at iba pang mga sintomas na katulad ng sa trangkaso. Tinatawag itong whooping cough sa Ingles dahil sa tunog na nagagawa ng taong may impeksiyon kapag sila ay umuubo, parang katulad ng "asong kumakahol". Karaniwang nalulusob ng impeksiyong ito ang mga tao mas nakababata, sapagkat mas nahahawahan sila ng mga karamdaman.
Ubong-dalahit | |
---|---|
Isang batang lalaking umuubo dahil sa ubong-dalahit o tuspirina (pertussis). | |
Espesyalidad | Infectious diseases |
Ang tusperina ay isang napaka nakakahawang sakit na dulot ng bakterya na sinasanhi ng Bordetella pertussis. Sa ilang mga bansa, ang sakit na ito ay tinatawag na "pag-ubo ng 100 mga araw" (Ingles: 100 days' cough o cough of 100 days).[3]
Sa una, banayad lamang ang mga sintomas, na pagkaraan ay umuunlad upang mga pag-ihit ng mararahas na mga pag-ubo, na lumilikha ng ubong may mataas na tono (high-pitched "whoop" sound) sa mga sanggol at mga batang nadapuan ng impeksiyong ito, partikular na kapag lumanghap sila ng hangin pagkaraang umubo.[4] Ang yugto ng pag-ubo ay tumatagal nang humigit-kumulang sa anim na mga linggo bago humupa.
Ang pag-iwas na magkaroon ng tusperina sa pamamagitan ng pagbabakuna ay may pangunahing kahalagahan dahil sa kaseryosohan ng sakit na ito sa mga bata.[5] Bagaman ang paggamot o paglulunas ay mayroong kaunting tuwirang pakinabang sa taong naimpeksiyon, iminumungkahi ang paggamit ng antibakteryal (antibiyotiko) dahil napapaiksi ng mga ito ang tagal ng pagiging maimpeksiyon.[5] Tinataya na ang sakit na ito ay pangkasalukuyang nakakaapekto sa 48.5 mga milyong katao sa bawat taon, na nagreresulta sa halos 295,000 mga kamatayan.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ pertussis
- ↑ whooping cough
- ↑ Carbonetti NH (2007). "Immunomodulation in the pathogenesis of Bordetella pertussis infection and disease". Curr Opin Pharmacol. 7 (3): 272–8. doi:10.1016/j.coph.2006.12.004. PMID 17418639.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mga sintomas, mga tunog, at isang bidyo, WhoopingCough.net
- ↑ 5.0 5.1 Heininger, U (Pebrero 2010). "Update on pertussis in children". Expert review of anti-infective therapy. 8 (2): 163–73. doi:10.1586/eri.09.124. PMID 20109046.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bettiol S, Wang K, Thompson MJ; atbp. (2012). "Symptomatic treatment of the cough in whooping cough". Cochrane Database Syst Rev (5): CD003257. doi:10.1002/14651858.CD003257.pub4. PMID 22592689.
{{cite journal}}
: Explicit use of et al. in:|author=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Mga kawing na panlabas
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.