Philip Milton Roth (19 Marso 1933 – 22 Mayo 2018) ay isang Amerikanong nobelista.

Philip Roth
Roth in 1973
KapanganakanPhilip Milton Roth
19 Marso 1933(1933-03-19)
Newark, New Jersey, U.S.
Kamatayan22 Mayo 2018(2018-05-22) (edad 85)
Manhattan, New York, U.S.
TrabahoNovelist
EdukasyonBucknell University (BA)
University of Chicago (MA)
Panahon1959–2010
KaurianLiterary fiction
(Mga) asawaMargaret Martinson Williams
(k. 1959–63)

Claire Bloom
(k. 1990–95)

Ang mga kuwento ni Roth, kalimitang ang tagpuan ay ang kanyang lugar ng kapanganakan sa Newark, New Jersey, ay kilala para sa kanyang marubdob na tauhang autobiographical, sa panlalabo sa pagkakaiba ng katotohanan at gawa-gawa sa pilosopiya at porma, sa kanyang "sensuwal at mapanlikhang estilo" at sa kanyang nakapupukaw na pagsiyasat ng identidad na Amerikano.[1]

Unang napansin si Roth sa novella na Goodbye, Columbus noong 1959, dito natanggap niya ang US National Book Award for Fiction.[2] Naging isa siya sa mga Amerikanong manunulat na nakatanggap ng pinakamaring parangal sa kanyang henerasyon. Dalawang beses nakataanggap ang kanyang mga aklat ng National Book Award at ang National Book Critics Circle award, at tatlong beses ng PEN/Faulkner Award. Nakatanggap siya ng Pulitzer Prize para sa kanyang nobela noong 1997 na American Pastoral, na nagtatampok sa isa sa kanyang kilalang tauhan na si Nathan Zuckerman, isang tauhan sa lumitaw sa maraming nobela ni Roth. Ginawaran ang The Human Stain (2000), isa pang nobelang Zuckerman, ng WH Smith Literary Award sa United Kingdom para sa pinakamahusay na aklat ng mga taon. Noong 2001, sa Prague, natanggap ni Roth ang unang Franz Kafka Prize.

Listahan ng mga gawa

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Citation

baguhin
  1. U.S. Department of State, U.S. Life, "American Prose, 1945–1990: Realism and Experimentation" Naka-arkibo March 4, 2011, sa Wayback Machine.
  2. Brauner (2005), pp. 43–7