Palabigkasan
Ang palabigkasan o phonetics (mula sa salitang Griyego: φωνή, phōnē, "tunog, boses") ay ang sangay ng lingguwistika (linguistics) na nag-aaral ng lahat ng mga tunog na posibleng likhain ng tao na maririnig sa iba't ibang wika sa buong mundo. Pinag-aaralan dito kung paano nabubuo ang pinakamaliit na yunit ng tunog, o mga ponema (phonemes), sa pamamagitan ng pagtukoy sa punto ng artikulasyon (place of articulation), o kung saang bahagi ng bibig nalilikha ang tunog, paraan ng artikulasyon (manner of articulation), o ang paraan ng paglikha ng tunog katuwang ang mga bahagi ng bibig, at ang boses (voice) o ang pagtukoy sa isang yunit ng tunog kung ginagamitan ito ng vibration o pag-ugong ng babagtingan (vocal cords) para malikha, o hindi.
Alpabetong ponetiko
baguhinAng Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (PPA) ay isang ulirang pangkat ng mga simbolo na kumakatawan sa mga tunog, o ponema, na ginagamit upang mapadali ang pagsusulat at paglalarawan ng mga tunog na nais pag-aralan.
Mga sangay ng palabigkasan
baguhinMaari pang aralin nang mas malalim ang mga katangian ng bawat yunit ng tunog sa mga wika ng tao batay sa paraan ng paglikha nito, kalidad ng tunog ayon sa pisikal nitong katangian, at ang kalidad ng tunog ayon sa kung paano ito natutukoy ng ating pandinig. Sa ilalim ng palabigkasan, may mga sangay itong nakatuon ang pag-aaral sa bawat katangiang ito ng mga tunog.
- Articulatory Phonetics- ito ang sangay ng palabigkasan na nag-aaral sa paraan ng paglikha ng tunog. Masusing tinitignan dito kung paanong ang mga articulators sa loob ng bibig, o ang mga organo sa loob nito (tulad ng labi, ngipin, gilagid, lalamunan etc.), ay lumilikha ng mga tunog.
- Auditory Phonetics- ito ang sangay ng palabigkasan na nag-aaral sa mga organo ng pandinig at utak bilang mga bahagi ng katawan na syang nakakatukoy sa mga tunog.
- Acoustic Phonetics- ito ang sangay ng palabigkasan na nag-aaral sa mga pisikal na katangian ng mga phonemes, ang kalidad nito bilang tunog, at ang kaibahan nito sa iba pang mga tunog na di-likha ng tao.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.