Pilosopiya ng edukasyon

Ang pilosopiya ng edukasyon ay maaaring tumukoy sa larangang pang-akademya ng nilapat na pilosopiya o kaya sa isa sa anumang mga pilosopiyang pang-edukasyon na nagtataguyod ng isang partikular na uri o pananaw sa edukasyon, at/o isang nagsusuri sa kahulugan, mga layunin, at kahulugan ng edukasyon. Bilang isang larangang akademiko, ang pilosopiya ng edukasyon ay ang pampilosopiyang pag-aaral ng edukasyon at mga suliranin nito. Ang pangunahing paksa nito ay ang edukasyon mismo, at ang mga kaparaanan ay ang ng sa pilosopiya.[1] Ang pilosopiya ng edukasyon ay maaaring ang pilosopiya ng proseso ng edukasyon o ang pilosopiya ng disiplina ng edukasyon. Iyon ay maaaring bahagi ng disiplina, sa diwa ng pagiging nakatuon sa mga layunin, mga anyo, mga paraan, o mga resulta ng proseso ng pagbibigay ng edukasyon o pagtanggap ng edukasyon; o maaari rin itong metadisiplinaryo sa diwa ng pagiging nakatuon sa mga diwa o konsepto, mga layunin, at mga metodo ng disiplina.[2] Bilang ganyan, ito kapwa bahagi ng larangan ng edukasyon at gayundin ng nilapat na pilosopiya, na humahango magmula sa mga larangan ng metapisika, epistemolohiya, aksiyolohiya, at mga pagharap na pilosopikal (ispekulatibo, preskriptibo, at/o analitiko) upang harapin ang mga katanungang nasa loob ng at hinggil sa pedagohiya, patakaran ng edukasyon, at kurikulum, pati na bilang isang proseso ng teoriya ng pagkatuto, bilang ilang mga halimbawa lamang.[3] Halimbawa, maaari nitong pag-aralan ang kung ano ang bumubuo sa pagpapalaki o pinagkalakhan ng bata na itinuro ng mga magulang niya at ang edukasyon, mga pagpapahalaga at mga pamantayan ng kaasalan na nalantad sa pamamagitan ng pagpapalaki sa bata at mga gawaing pang-edukasyon, ang mga hangganan at lehimitasyon ng edukasyon bilang isang disiplinang akademiko, at ang ugnayan sa pagitan ng teoriyang edukasyonal at pagsasagawa nito.

Sa halip na itinuturo sa mga kagawaran ng pilosopiya, ang pilosopiya ng edukasyon ay pangkaraniwang "nakabahay" o nasa loob ng mga kagawaran (departamento) o mga dalubhasaan (kolehiyo) ng edukasyon, kahalintulad ng sa kung paano pangkalahatang itinuturo ang pilosopiya ng batas sa mga paaralan ng batas.[1] Ang maramihang mga paraan ng pagsasa-isip ng edukasyon na sinamahan ng maramihang mga larangan at mga pagharap ng pilosopiya ay nakakagawa sa pilosopiya ng edukasyon hindi lamang bilang isang napaka samu't saring larangan, subalit isa rin na hindi madali o hindi maginhawang bigyan ng kahulugan. Bagaman may salabatan, ang pilosopiya ng edukasyon ay hindi dapat ikalito mula sa teoriya ng edukasyon (teoriyang pang-edukasyon), na hindi binigyang kahulugan sa pamamagitan ng paglalapat ng pilosopiya sa mga tanong na nasa loob ng edukasyon. Ang pilosopiya ng edukasyon ay hindi rin nararapat na maikalito mula sa pagtuturo ng pilosopiya (edukasyon ng pilosopiya), ang gawain ng pagtuturo at pagkatuto sa paksa ng pilosopiya.

Ang pilosopiyang edukasyonal ay isang teoriyang normatibo ng edukasyon na nagsasama-sama ng pedagohiya, kurikulum, teoriya ng pagkatuto, at ng layunin ng edukasyon, at nakalatag sa partikular na mga sapantaha o pagpapalagay na metapisikal, epistemolohikal, at aksiyolohikal.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Noddings, Nel (1995). Philosophy of Education. Boulder, CO: Westview Press. p. 1. ISBN 0-8133-8429-X {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  2. Frankena, William K.; Raybeck, Nathan; Burbules, Nicholas (2002). "Philosophy of Education". Sa Guthrie, James W. (pat.). Encyclopedia of Education, ika-2 edisyon. New York, NY: Macmillan Reference. ISBN 0-02-865594-X {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  3. Noddings 1995, pp. 1–6

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya at Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.