Pinagsama-samang mga operasyong pangmilitar
Sa paggamit na pangmilitar, ang pinagsama-samang mga operasyong pangmilitar (Ingles: combined operations, joint operations, o interoperability capability) ay maaaring maging mga operasyon na isinasagawa ng mga puwersa ng dalawa o mas maraming mga bansang magkakakampi na magkakasamang gumaganap para sa pagkakamit ng isang karaniwang estratehiya, ng isang pang-estratehiya at pang-operasyon at kung minsan ay ng pangtaktikang pakikiisa at interaksiyon o pakikisalamuha sa pagitan ng mga yunit at mga pormasyon ng mga puwersang panlupa, pandagat, at panghimpapawid, o ang pakikiisa sa pagitan ng mga may kapangyarihan sa militar at mga sibilyano hinggil sa pagpapanatili ng kapayapaan o pamamahala ng emerhensiya (mga operasyon na pangkawanggawa o ng pagtulong pagkaraan ng sakuna).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.