Si Pindar (Sinaunang Griyego: Πίνδαρος, Pindaros, binibigkas na: [píndaros]; Latin: Pindarus) (c. 522–443 BCE) ay isang Sinaunang Griyegong manunula mula sa Thebes, Gresya. Sa kanonikal na mga siyam na lirikong manunula ng Sinaunang Gresya, ang kanyang akda ang pinakamahusay na naingatan. [1] Gayunpaman, ang kanyang mga tula ay tila mahirap at kakaiba.[2] Natagpuan rin ng ilang mga modernong skolar ang kanyang mga tula na palaisipan hanggang sa pagkakatuklas noong 1896 ng ilang mga tula ng kanyang katunggali na si Bacchylides nang ang paghahambing ng kanilang mga gawa ay nagpakita na ang maraming mga idiosinkraisya ni Pindar ay tipikal sa mga genre sa sinaunang panahon sa halip na sa mismong kay Pindar. [3]

Isang kopyang Romano ng Griyegong ika-5 siglo BCE na busto ni Pindar (Museo Archeologica Nazionale, Naples)

Si Pindar ang unang manunulang Griyego na sumalamin sa kalikasan ng tula at sa papel ng manunula.[4] Tulad ng ibang mga manunula ng Sinaunang Panahon, si Pindar ay may malalim na pandama ng mga pagbabago ng buhay ngunit kanya ring inihayag ang isang masigasig na pananampalataya sa makakamit ng mga tao sa biyaya ng mga diyos na pinakasikat na inihayag sa kanyang konklusyon sa isa sa kanyang mga oda ng pagwawagi:[5][6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Quintilian 10.1.61; cf. Pseudo-Longinus 33.5 Naka-arkibo 2011-08-06 sa Wayback Machine..
  2. Eupolis F366 Kock, 398 K/A, from Athenaeus 3a, (Deipnosophistae, epitome of book I)
  3. Lawrence Henry Baker (1923). "Some Aspects of Pindar's Style". The Sewanee Review. 31 (1): 100–110. JSTOR 27533621.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gerber, p. 261
  5. de Romilly, p. 37
  6. Pindar (1972) Introduction p. xv