Pelikula

(Idinirekta mula sa Pinilakang tabing)

Ang pelikula, na kilala din bilang sine at pinilakang tabing (mula sa kastila película at cine), ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.

Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun.

Teorya ng pelikula

baguhin

Ang pelikula ay mayroong sariling wika. Ayon kay Ingmar Bergman, si Andrei Tarjirjy ang kanyang tinuturing na pinakamagaling na direktor sapagkat nagawa niyang isa-pelikula ang buhay sa paraang makikita ito bilang isang panaginip. Ang wika ng pelikula ay mababatay sa pag-arte ng aktor na parang nagsasalita ng personal sa tagapanood.

Montage

baguhin

Ang montage ay isang paraan kung saan hinahati ang parte ng isang pelikula at ito ay pinipili, inaayos, binabago para makagawa ng mas magandang seksyon ng pelikula. Ang pinangyarihan ay pwede magpakita ng isang lalaki na sasabak sa laban, na may sulyap ng kanyang kabataan at sakanyang buhay noon. Kapag kumpleto na ang pelikula na ito, dito dinadagdagan ang mga pwede pang animasyon para gumanda lalo ang pelikula.

Panunuring pampelikula

baguhin

Ang panunuring pampelikula ay ang ebalwasyon ng isang pelikula.

Distribusyon

baguhin

Karaniwang pinoproseso ang mga pelikula upang maibahagi ito sa madla. Karaniwang mga propesyonal na distributor ang gumagawa nito at maaaring ipalabas sa teatro, telebisyon, o personal na panonood sa pamamagitan ng DVD-Video o Blu-ray Disc, video-on-demand, o pag-download mula sa internet. Dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, mabilis na ring makapanood ng mga pelikula sa ibang nagbibigay ng serbisyong ito gaya ng Netflix o maaari na ring makakuha ng mga pelikula online sa ilegal na paraan gaya ng torrent.[1]

Animasyon

baguhin

Ang animasyon ay isang mabilisang paglabas ng mga sunod-sunod na larawan ng gawang 2D o 3D o posisyong modelo para makagawa ng ilusyon ng paggalaw. Ang epekto ay isang ilusyong optikal ng mosyon dahil sa penomenon ng persistensiya ng bisyon, at maaaring makagawa at maipakita sa maraming paraan. Ang larawang mosyon ang pinakakilalang metodo ng pagpapakita ng animasyon o programang bidyo, kahit na meong ibang metodo.

Mga uri ng pelikula

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "What is a Torrent? A Detailed Explanation." Tech Review Advisor. Hinango noong 28 Pebrero 2019.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.   Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.