Pink (mang-aawit)
Si Alecia Beth Moore (8 Setyembre 1979), mas kilala bilang Pink (stylized bilang P!nk), ay isang Amerikanong mang-aawit, manunulat ng kanta at aktres. Siya ay orihinal na kasapi ng grupong babae na Choice. Nagsimula siyang solo sa kanyang 2000 single "There You Go" na kasama sa kanyang debut album, Can't Take Me Home. Ito ay naging double platinum sa Estados Unidos. Siya ay nakipagcollaborate kina Lil' Kim, Christina Aguilera at Mýa para sa cover ng "Lady Marmalade" para sa Moulin Rouge! soundtrack. Ang kanta ay nagbigay ng unang Grammy Award kay Pink at kanyang unang number one single sa Billboard Hot 100.
Pink | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Alecia Beth Moore |
Kapanganakan | Abington Township, Montgomery County, Pennsylvania, US | 8 Setyembre 1979
Genre |
|
Trabaho |
|
Instrumento |
|
Taong aktibo | 1995–present |
Label | |
Website | pinkspage.com/us/home |
Ang kanyang 2001 album na Missundaztood ay naging matagumpay na nakapagbenta ng higit sa 12 milyong kopya. Ang mga single nitong "Get the Party Started", "Don't Let Me Get Me", at "Just Like a Pill", ay nagchart sa top ten sa US at sa UK ay number one. Inilabas ni Pink ang kanyang ikatlong album Try This noong 2003. Ang single nitong "Trouble" ay nagbigay sa kanya ng unang solo Grammy Award para sa best female rock vocal performance. Ang kanyang ikaapat na album na I'm Not Dead ay inilabas noong 2006. Ang kanyang ikalimang album na Funhouse ay inilabas noong 2008 na naglalaman ng kanyang unang solo number one sa Billboard Hot 100 na "So What". Ang album ay naging certified double platinum sa US. Ang kanyang compilation album ay inilabas noong 2010 na naglalaman ng dalawang nagchart na single na "Raise Your Glass" at "Fuckin' Perfect". Ang kanyang album na The Truth About Love, ay inilabas noong 2012 at naging unang number one album niya sa US. Ang mga single na "Blow Me (One Last Kiss)", "Try", at "Just Give Me a Reason", ay umabot sa top ten ng Billboard Hot 100. Ang kantang "Just Give Me a Reason" ang naging ikaapat na number one single. Ang The Truth About Love ang nangunang bumentang album ng 2013 ng babaeng artist na may 886,000 na naibenta.[3]
Si Pink ay isa sa pinakamatagumapy artist ng kanyang henerasyon na nakapagbenta ng higit 110 milyong record sa buong mundo. Siya ay nagwagi ng tatlong Grammy Award, Brit Award, at anim na MTV Video Music Award. Siya ay may 19 top twenty hit sa Billboard Hot 100.
Pilmograpiya
baguhinYear | Title | Role | Notes |
---|---|---|---|
2000 | Ski to the Max | Brena | |
2002 | Rollerball | Rock singer | Cameo |
2002 | Saturday Night Live | Herself (musical guest) | Episode: "Josh Hartnett/Pink" |
2003 | Saturday Night Live | Herself (musical guest) | Episode: "Al Sharpton/Pink" |
2003 | Punk'd | Herself | Episode: "1.7" |
2003 | Charlie's Angels: Full Throttle | Coal Bowl M.C. | Cameo |
2007 | Catacombs | Carolyn | |
2009 | SpongeBob SquarePants | Herself | Episode: "SpongeBob's Truth or Square" |
2010 | Get Him to the Greek | Herself | Cameo |
2011 | Happy Feet Two | Gloria (voice) | |
2013 | Thanks for Sharing | Dede | credited as Alecia Moore |
Diskograpiya
baguhin- Can't Take Me Home (2000)
- Missundaztood (2001)
- Try This (2003)
- I'm Not Dead (2006)
- Funhouse (2008)
- The Truth About Love (2012)
- Beautiful Trauma (2017)
- Hurts 2B Human (2019)
- Trustfall (2023)
Awards and nominations
baguhinMga Tour
baguhin- Party Tour (2002)
- Try This Tour (2004)
- I'm Not Dead Tour (2006–07)
- Funhouse Tour (2009)
- The Funhouse Summer Carnival (2010)
- The Truth About Love Tour (2013)
sanggunian
baguhin- ↑ Huey, Steve. "P!nk". Allmusic. Rovi Corp. Nakuha noong Setyembre 23, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ covergirl.com
- ↑ http://www.billboard.com/articles/news/5819628/pnk-the-billboard-woman-of-the-year-qa