Pink Floyd
Ang Pink Floyd ay isang Ingles na bandang rock na nakilala sa kanilang musikang progressive at psychedelic. Sila ay natatangi sa kanilang paggamit ng mga lirikong pilosopikal at pageeksperimentong sonic. Sila ang isa pinakabumentang artistsa kasaysayan. Sila ay itinatag noong 1965 na orihinal na binuo nina Syd Barrett, Nick Mason, Roger Waters, at Richard Wright. Sila ay unang sumikat sa London's underground music scene noong mga huling sisenta. Sa ilalim ni Barrett, sila ay naglabas ng mga single na nagchart at ng isang debut album. Si David Gilmour ay sumaling ikalimang noong 1967. Si Barrett ay umalis noong 1968 dahil sa lumalalang sakit sa isip. Sa pag-alis ni Barrett, si Water ang naging pangunahing tagapagsulat ng titik na nasa likod ng mga matagumpay na album naThe Dark Side of the Moon (1973), Wish You Were Here (1975), Animals (1977), The Wall (1979) and The Final Cut (1983).
Pink Floyd | |
---|---|
Kabatiran | |
Pinagmulan | London, England |
Genre | |
Taong aktibo | 1965 | –1995, 2005 (reunion)
Label | |
Dating miyembro | |
Website | pinkfloyd.com |
Si Wright ay umalis sa banda noong 1979 na sinundan ni Waters noong 1985. Sina Gilmour at Mason ay nagpatuloy ng Pink Floyd at si Wright ay kalaunang sumali sa kanila bilang isang binayarang musikero. Sila ay patuloy na nagrecord at nagtour noong 1994. Ito ay sinundan ng dalawa pang album na A Momentary Lapse of Reason (1987) and The Division Bell (1994). Sila ay inilagay sa US Rock and Roll Hall of Fame noong 1996, at vUK Music Hall of Fame noong 2005. magmula noong 2013[update] Sila ay nakapagbenta ng higit sa 250 milyong record sa buong mundo kabilang ang 74.5 million certified unit sa Estados Unidos.
Ang Pink Floyd ay muling nagsama noong 2005 sa Live 8. Noong 2006, isinaad ni Gilmour na ang banda ay nabuwag na at sinabing tapos na silang sumulat ng kanta. Si Barrett ay namatay noong 2006 at si Wright noong 2008.