Pinoy Big Brother: Teen Edition

Ang Pinoy Big Brother: Teen Edition ay isang espesyal na edisyon ng Pinoy Big Brother na ibinibida ang mga kabataan mula sa edad na labing-anim hanggang labing-siyam na taong gulang (subalit ang mga kilalang tao na nasa nasabing edad ay pwedeng maisali sa Celebrity Edition). Ito ay isa sa mga palabas na bersyon ng Big Brother na pinagbibidahan ng mga kabataan. Ito rin ang nagiisang pangkabataang bersyon ng Big Brother na may sumusunod na edisyon. Ang isa pang pangkabataang edisyon ng Big Brother ay ang Teen Big Brother ng Britanya. Ang nasabing edisyon ay panandalian lamang at pre-recorded, one-shot edition, na hindi katulad ng bersyon na ito na sumusonod sa tema ng regular na Pinoy Big Brother.

Tingnan dinBaguhin

Kawing PanlabasBaguhin