Pintuang-bayan ng Subačius
Ang Pintuang-bayan ng Subačius o Tarangkahan ng Subačius (Litwano: Subačiaus vartai) ay masasabing isa sa mga pinakamahalagang pintuang-bayan sa lungsod ng Vilnius, na nagbibigay daanan patungo sa Vitebsk, Polock, Smolensk at Moscow . Ang tarangkahan ay unang nabanggit noong 1528 at itinayo muli noong ika-17 siglo, na bumubuo ng isang linyang pandepensa sa timog-silangan ng Vilnius. Kilala ito sa mga napakalaking kuta dahil hindi lamang ito may mga kanyon kundi pati na rin ang mga nakausling galerya sa ituktok ng pader ng kastilyo. Ang tarangkahan ay nawasak noong Mayo 27, 1801 sa ilalim ng utos ng mahistrado ng Russia. Ang ilang mga natitirang ladrilyo ay ginamit para sa mga pugon ng kuwartel at muling pagtatayo ng lugar para sa mga mangangalakal. Mga ilang bahagi na lamang ng mga pundasyon nito ang nananatili at nakatayo hanggang ngayon. [1]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ Subačiaus vartai (VSAA) Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine. (sa Litwano)