Pinulbos na damong-gamot
Ang pinulbos na damong-gamot o yerbang pinulbos ay mga halamang-gamot o yerbang nasa anyong pulbos.[1]
Paghahanda
baguhinMga sangkap
baguhinKabilang sa mga sangkap ng pinulbos na damong-gamot ang 200 hanggang 250 mga gramo ng pinulbos na yerba at kapsulang may sukat na 00. Mas mainam na gamitin ang mga pinulbos na yerbang gawa mula sa mga espesyalistang pabrika ng damong-gamot sapagkat nakapagdurulot ng init ang mga aparato o makinang panggiling na pangtahanan. Nakasasanhi ng pagbabagong kimikal sa mga yerba ang init. Nakasisira din ang matitigas na mga ugat ng mga yerba sa aparatong panggiling. Makakakuha naman ng mga kaha o walang lamang mga kapsula mula sa mga espesyalistang tagagawa o pabrika ng mga ito, na gawa sa dalawang bahagi ng helatina o kaya mga partikular na ginawa para sa mga behetaryano o mga taong kumakain lamang ng gulay o prutas.[1]
Mga kagamitan
baguhinSa paghahanda ng mga kapsulang pinalalamanan ng pinulbos na yerba, gumagamit ng plato o platito, mga kaha ng kapsula o mga kapsulang walang laman, at mga garapong yari sa madidilim na salamin o babasagin na ginagamit na taguan o imbakan.[1]
Paglalagay sa kapsula
baguhinSa pagpapalaman ng mga pulbos ng yerba sa kapsula, ibinubuhos ang pinulbos na yerba sa ibabaw ng isang platito o plato. Pinaghihiwalay ang dalawang bahagi ng kapsula. Pinapadausdos ang dalawang hati ng kapsula sa pulbos, upang masagap o masalok ang pulbos.[1]
Paggamit at pag-inom
baguhinKalimitang kinakain o iniinom ito sa pamamagitan ng paghahalo ng pulbos sa tubig. Maaari ring ibinubudbod ito sa pagkain. Mayroon din namang ipinapasok sa mga kapsula, partikular na ang mga yerbang may hindi kaayaayang lasa. Dahil sa pagkakalagay sa loob ng mga kapsula, madali o maginhawa itong nadadala kahit saan man magpunta.[1]
Sa panglahatan, umiinom ang isang tao ng dalawa hanggang tatlong mga kapsulang may lamang pinulbos na yerba, na dalawa hanggang tatlong ulit sa loob ng isang araw. Kapag inihahalo sa tubig, naglalagay ng kalahati hanggang isang pulbos ng yerba sa kalahating baso ng tubig, na iniinom ng tatlong beses sa loob ng isang araw.[1]