Piramide ni Khafre

Ang Piramide ni Khafre o ni Chephren[1] ay ang pangalawang-pinakamataas at ikalawang-pinakamalaking sa mga Sinaunang Ehipsiyong Piramide ng Giza at ang nitso ng Ikaapat na Dinastiya ng Ehipto na paraon na si Khafre (Chefren), na namahala mula sa c. 2558 sa 2532 BK.[2]

Ang Piramide ni Khafre at ang Dakilang Sphinx ng Giza

Kasaysayan

baguhin
 
 

Ang piramide ay malamang na binuksan at ninakawan sa panahon ng Unang Pagitang Panahon. Itinala ng Arabong historyador na si Ibn Abd al-Salam na ang piramide ay binuksan sa 1372 AD.[3]

Una itong ginalugad sa kasalukuyang mga panahon ni Giovanni Belzoni sa Marso 2, 1818, noong natagpuan ang orihinal na pasukan sa hilagang bahagi ng piramide at ang kamara ng libingan ay binisita. Umasa si Belzoni na makahanap ng isang buong libing. Gayunman, ang silid ay walang laman maliban sa isang bukas na sarkopago at ang sirang takip nito sa sahig.[4]

Ang unang kumpletong paggalugad ay isinagawa ni John Perring noong 1837. Noong 1853, bahagyang hinukay ni Auguste Mariette ang templong lambak ni Khafre, at, sa 1858, habang kinukumpleto ang paglilinis nito, natuklasan niya ang isang diorite na rebulto.[5]

Looban

baguhin

Dalawang mga pasukan ang humahantong sa kamara ng libingan, isa na bumubukas 11.54 m (38 ft) pataas ng mukha ng piramide at isa na bumubukas sa base ng piramide. Hindi nakahanay ang mga daanan sa gitnang linya ng piramide, ngunit nakagilid sa silangan ng 12 m (39 ft). Ang mas mababang mga pababang daanan ay ganap na nakaukit sa bedrock, pababa, tumatakbo ng pahalang, at pagkatapos pataas upang dumugtong sa mga pahalang na daanan na humahantong sa kamara ng libingan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Pyramid of Chefren, Giza - SkyscraperPage.com".
  2. Shaw, Ian, "The Oxford History of Ancient Egypt", 2000 p.90
  3. Dunn, Jimmy. "The Great Pyramid of Khafre at Giza in Egypt". Tour Egypt. Nakuha noong 1 Mayo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lehner, 1997 p.49
  5. Lehner, 1997 p.55

Panlabas na mga kawing

baguhin

Ang Giza Archives: http://www.gizapyramids.org/ Naka-arkibo 2008-10-11 sa Wayback Machine.