Piscina Mirabilis
Ang Piscina Mirabilis (Latin "nakakamangha na balon") ay isang sinaunang Romanong balon sa burol ng Bacoli sa kanlurang dulo ng Golpo ng Naples, timog Italya. Isa ito sa pinakamalaking mga sinaunang imbakang-tubig.[1] Itinayo ito sa ilalim ni Augusto gaya ng iminungkahi ng pamamaraan ng pagtatayo ng opus reticulatum na ginamit sa mga dingding.
Ang balon ay ganap na hinukay sa labas ng tobang burol at 15 metro (49 tal) taas, 72 metro (236 tal) haba, at 25 metro (82 tal) lapad. Ang kapasidad ay 12,600 cubic metre (440,000 cu ft).[1] Sinusuportahan ito ng mga boveda na kisame at may kabuuang 48 na haligi.
Mga sanggunian
baguhin