Pista ng Paru-paro

pista sa Pilipinas

Ang Pista ng Paru-paro ay ang opisyal na pista ng lungsod ng Dasmariñas na ipinadiriwang taun-taon tuwing Nobyembre 26. Tinawag itong paru-paro Festival dahil inihahalintulad ang progresibong pagbabago ng lungsod mula sa pagiging isang maliit na baryo ng lungsod ng Imus hanggang sa pagiging ganap na lungsod sa Kabite sa banyuhay na kinahaharap ng isang uod bago maging isang ganap na paru-paro.

Ipinapakita ng pista ang pagiging malikhain ng mga Dasmarineño sa pamamagitan ng isang engrandeng parada kung saan ang mga kalahok ay nakapustura bilang mga paru-paro kasama ng mga makukulay na karosa. Nagtitipon tipon rin ang mga mamamayan na nagmula sa iba’t ibang barangay ng Dasmariñas upang makiisa sa iba’t ibang pagtatanghal at patimpalak.

Kasaysayan

baguhin

Unang ipinagdiwang ang Pista ng Paru-paro noong Nobyembre 26, 2011 sa pangalawang anibersaryo ng pagiging isang lungsod ng Dasmariñas. Mula sa pagiging baryo sa lungsod ng Imus naideklara ito bilang isang bayan sa probinsya ng Kabite noong Mayo 12, 1864. Makalipas ang 145 na taon naging isang ganap na lungsod ang Dasmariñas noong Nobyembre 26, 2009. Sa pamamagitan ng Resolusyon Blg. 069-s-2011 at Espesyal na Ordinansa 02-s-2011, idineklara ang Pista ng Paru-paro bilang opisyal na pista ng lungsod ng Dasmariñas sa ilalim ng panunungkulan ni Alkalde Jennifer Austria Barzaga at sa Sangguniang Panlungsod. [1]

Sa paglipas ng panahon tinagurian ang lungsod ng Dasmariñas bilang isa sa mga lungsod sa bansa na mayroong mabilis na pag-unlad. Nagkaroon ng malalaking mga industriya, negosyo, pasilidad pangkalusugan at pang-edukasyon, imprastraktura, at iba pa. Tinagurian rin ang lungsod bilang "University Capital of Cavite" o sentro ng mga unibersidad sa probinsya ng Cavite. Ang pagbabago nito mula sa isang maliit na baryo patungo sa isang maunlad at progresibong lungsod ay nagpakita ng pagkakapareho nito sa pagbabagong anyo ng isang paru-paro. Kaya naman ang taun-taong pagdiriwang ng Pista ng Paru-paro ay pagbabalik-tanaw sa pagsisimula ng lungsod at ang pag-unlad nito sa pagdaan ng mga taon.[2][3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. PTV News
  2. Websayt ng Lalawigan ng Cavite
  3. "Candadian Inquirer". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-11-24. Nakuha noong 2018-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)