Pitong Espiritu ng Diyos
Sa Kristiyanong Bibliya ang salitang Pitong Espiritu ng Diyos ay apat na ulit makikita sa Aklat ng Pahayag.[1][2] Ang kahulugan ng salitang ito ay pinapaliwanag sa maraming paraan. [3]
Mga Biblikal na reperensiya
baguhinAng pitong Espiritu ng Diyos ay apat na ulit binanggit sa Aklat ng Pahayag, at sa aklat ni Isaias pinangalanan nito ang bawat Espiritu. [1][2]
- Pahayag 1:4—ASV - "John to the seven churches which are in Asia: Grace be unto you, and peace, from him which is, and which was, and which is to come; and from the seven Spirits which are before his throne." [Si Juan sa pitong simbahan na nasa Asya: Biyaya nawa'y sumainyo, at kapayapaang mula sa kanya na ngayon, at nang nakaraan, at nang darating; at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng kanyang trono.]
- Pahayag 3:1—ASV - "And unto the angel of the church in Sardis write: These things saith he that hath the seven Spirits of God, and the seven stars; I know thy works, that thou hast a name that thou livest, and art dead." [At sa anghel ng simbahan sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Diyos, at may pitong bituin; Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay namatay]
- Pahayag 4:5—ASV - "And out of the throne proceeded lightnings and thunderings and voices: and there were seven lamps of fire burning before the throne, which are the seven Spirits of God." [At mula sa trono ay may lumabas na mga kidlat, at mga kulog at mga tinig: at may pitong lamparang apoy na nagliliyab sa harapan ng trono, na siyang pitong Espiritu ng Diyos]
- Pahayag 5:6—ASV - "And I beheld, and, lo, in the midst of the throne and of the four beasts, and in the midst of the elders, stood a Lamb as it had been slain, having seven horns and seven eyes, which are the seven Spirits of God sent forth into all the earth." [At nakita ko, at napagmasdan, sa gitna ng trono at ng apat na apat na ganid, at sa gitna ng mga matatanda, nakatayo ang isang Kordero na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Diyos na sinugo sa buong daigdig.]
Mga Interpretasyon
baguhinAng Pitung-Umpok na Ministeryo ng Espiritu
baguhinSa isang paliwanag, ang "Pitong Espiritu" ay tumutukoy sa pitung-umpok na ministeryo ng Espiritu na inilarawan sa Aklat ni Isaias. Gaya ng nasusulat sa Isaias 11:2: "At ang Espiritu ng PANGINOON ay mananahan sa kanya, ang Espiritu ng karunungan at pagkaunawa, ang Espiritu ng pagpapayo at kalakasan, ang Espiritu ng kaalaman at ang pagkatakot sa PANGINOON." Kasama ng Espiritu ng Panginoon, at mga Espiritu ng karunungan, ng pagkakaunawa, ng pagpapayo, ng lakas, ng kaalaman at pagkatakot sa PANGINOON, dito'y tumutukoy sa pitong Espiritu, na nasa harapan ng luklukan ng Diyos. [4] Ang reperensiya sa kordero (lamb sa Ingles) sa Pahayag 5:6 ay iniuugnay ito sa Pitong Espiritu na unang makikita sa Pahayag 1:4 at iniugnay din naman kay Jesus na humahawak sa kanila kasama ng mga pitong bituin.[5]
Isa pang alternatibong pananaw ay ang mga pitong grasya ("karisma") ng Roma 12:6-8 na sumasamin sa pitong espiritu ng Diyos. Ang Espiritu Santo ay nahahayag sa sangkatauhan sa pamamagitan nitong mga grasya, na sumasalamin sa pitong espiritu ni Yahweh. Ang mga pitong grasya ay: 1) pangitain (propesiya); 2) pagkamatulungin (serbisyo o ministeryo); 3) instruksiyon (pagtuturo); 4) panghihikayat; 5) generosidad (mapagbigay); 6) paggabay (pamumuno); at 7) pagkamahabagin.
Mga Pitong Malinaw na Espirituwal na Nilalang
baguhinSa Bagong Tipan, ang salitang Griego na "Dynamis" (isinasalin ng ilan na "Virtues" o "mga Asal") ay nagsuhesyon ng isang klase ng napapurihang mga espirituwal na nilalang; gayunman nahahanay sa "mga punong Prinsipe" (Sar rishown) ng Lumang Tipan, na kung saan si Arkanghel Miguel ay nabanggit na isa (Daniel 10:13).[6] Ang "Dynamis" ay ginamit ni Apostol Pablo upang tukuyin ang mga espirituwal na nilalang sa Roma 8:38; Efeso 1:21, 3:10, 6:12; at Colosas 1:16, 2:10 & 15. "Mga Kapangyarihan at mga Prinsipalidad" na maaaring ilapat sa parehong mga mala-anghel at mga mala-demonyong nilalang, ngunit mas madalas sa Bagong Tipan sa mga mala-demonyong nilalang. Gayunpaman, ito'y dapat itala, karamihan ng mga tagapagsalin at gumamit ng "Dynamis" upang tumukoy sa 'lakas', 'kapangyarihan' o 'abilidad', at hindi ng 'mga birtud'.
Simboliko ng Pagiging Perpekto
baguhinAng Pitung-umpok na Espiritu ay maaari ring ikonekta ng may biblikal na pang-unawa sa bilang na 7 na tumutukoy sa pagiging sakdal o perpekto. Ang "Pitung-Umpok na Espiritu ng Diyos" maaaring maging "perpektong" Espiritu ng Diyos, ang Espiritu Santo.[7]
Tingnan din
baguhinMga Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 The Book of Revelation ni Robert H. Mounce 1997 Eerdmans Pub. ISBN 0-8028-2537-0 pages 46-47 [1]
- ↑ 2.0 2.1 Revelation 1-11 ni John F. MacArthur (Apr 15, 1999) ISBN 0-8024-0773-0 pages 108, 151, 168 [2]
- ↑ Revelation ni Craig S. Keener 2000 Zondervan ISBN 0-310-23192-2 Section 1:4 [3]
- ↑ Revelation (New Cambridge Bible Commentary) ni Ben Witherington (Sep 15, 2003) ISBN 0-521-00068-8 pahina 75 [4]
- ↑ New Testament Theology ni Thomas R. Schreiner 2008 Baker Academic ISBN 0-8010-2680-6 pahina 502
- ↑ Thomas B. White, The Believer's Guide to Spiritual Warfare, pahina 54 (Regal, 2011). ISBN 978-0-8307-5725-1
- ↑ Matthew Henry’s Concise Commentary Revelations 1:4