Salot

(Idinirekta mula sa Plague)

Ang salot, peste, o plaga ay ilang mga sakit o karamdaman na nagsasanhi ng kamatayan sa mga tao. Maaari rin itong anumang bagay na nagdurulot ng maraming paghihirap o kawalan.[1][2] Sa larangan ng pananampalataya, itinuturing ito bilang isang "kalamidad na inaakalang dulot ng galit ng kalangitan" o ng Diyos. Halimbawa nito ang pagkakaroon ng pananalakay ng napakaraming mapaminsalang mga kulisap, katulad ng tipaklong. Kasingkahulugan ito ng epidemya at ng pagdurulot ng masamang kalagayan sa isang nilalang, katulad ng tao, halaman o hayop. Naging kaugnay din ito, sa madiwang paraan, ng anumang bagay na pang-asar o pambuwisit, panghaharas, pagpaparusa, at pagpapahirap.[2] Sa medisina, ang epidemiko ay ang mabilis na pagkalat ng nakakahawang sakit[2] o ang pagkalat ng maraming mga kaso ng katulad o iisang karamdaman sa loob ng isang pook at sa kapareho o katulad na oras o kapanahunan.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. The Committee on Bible Translation (1984). "Plague". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Gaboy, Luciano L. Plague, salot, peste, plaga; epidemic, epidemiko - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. "Epidemic, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 206.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.