Ang planking (mula sa salitang Ingles na plank, na may kahulugang piraso ng mahaba, manipis, at sapad na troso o tabla[1], kung kaya't may literal na kahulugang "pagiging tabla" o "paggaya sa troso") ay isang gawain kung saan dumadapa sa isang hindi pangkaraniwan o di angkop na lugar. Ang magkabilang kamay ay dapat tumatama sa tagiliran at ang pagkakaroon ng litrato ng kasapi habang ginagawa ito at ang paglalagay nito sa Internet ay mahalagang bahagi ng laro.[2] Ang mga manlalaro ay naglalaban para sa pinakakakaiba at orihinal na tagpo kung saan gagawin ito.[2] Ang bansag na planking ay tumutukoy sa imitasyon ng isang tabla ng kahoy. Ang katigasan ng katawan habang nasa posisyon na nararapat ay mahalagang mapanatili para maging magandang planking.

Simula noong 2011, maraming kasapi ang kinunan ang pagpa-planking sa kakaibang mga lugar tulad ng sa itaas ng poste, mga bubong at sasakyan. Pwedeng kasali sa planking ang paghilata sa isang patag na lugar, o ang pagpapanatili ng matigas na katawan habang sinusuportahan sa ilang bahagi lamang ng katawan habang ang iba naman ay nasa ere.

Kasaysayan at pinagmulan

baguhin

Sinasabi ng komedyanteng si Tom Green na siya ang umimbento ng planking simula pa noong 1994.[3] Ayon naman kina Gary Clarkson at Christian Langdon, sila ang nakaimbento nito noong taong 2000.[4], at naunang sumikat sa Hilangang silangang Inglatera.[5]

Ang planking ay kumalat sa iba pang bahagi ng mundo, kung saan nakilala rin ito bilang "시체놀이" ("playing dead") (2003, Timog Korea), "à plat ventre" ("On one’s belly", France 2004),"extreme lying down" (2008, Australasia), "facedowns" (2010, Estados Unidos at Ireland),at "planking" (2011, Australya at New Zealand at sa buong mundo).

Ikinukumpara ng mga kritiko ng planking ang larong ito sa panahon ng pagkalakal ng mga Afrikanong alila at ang paraan ng paglalagay sa mga alilang ito kung saan sila ay mistulang mga tabla na nasa ilalim na bahagi ng barko, tulad ng ipinakita sa gawa ni Brookes. Subalit ayon sa propesor mula sa Unibersidad ng Pittsburgh na si Marcus Rediker, walang sadyang koneksiyon sa pagitan ng makabagong paggamit sa salitang planking at ng nakaraang kahulugan na nakakabit rito.

Mga tanyag na pangyayari

baguhin
  • Napabalita ang laro noong Setyembre 2009 nang pitong doktor at mga nars na nagtatrabaho sa Great Western Hospital sa Swindon, Inglatera ay nasuspendi dahil sa paglalaro ng planking habang nasa duty.
  • Noong 13 Mayo 2011, isang dalawampung taong gulang na lalaki mula sa Gladston, gitnang Queensland ay nakasuhan dahil sa di umano’y pagpapa-planking sa isang sasakyang pampulis.
  • Noong 15 Mayo 2011, si Acton Beale, isang dalawampung taong gulang na lalaki ay nahulog patungo sa kanyang kamatayan matapos mabalitang pagpapa-planking sa pampitong palapag na balkonahe sa Brisbane, Australya.
  • Noong 29 Mayo 2011, si Max Key, anak ng Prime Minister ng New Zealand na si Minister John Key, ay naglagay sa Facebook n litrato ng kanyang sarili na nagpaplanking sa isang lounge suite habang ang kanyang ama ay nakatayo sa likod niya. Matapos malathala sa unang pahina ng New Zealand Herald ang litratong ito dalawang araw ang nakalipas, tumangging magbigay ng kumento ang opisino ng Prime Minister.Subalit kinahapunan, pinatotohanan ni Ginoong Key ang litrato at sinabing wala siyang nakikitang mali sa planking kapag ginawa nang maayos at ligtas. Binanggit niya rin na siya pala ang nagpakilala kay Max ng planking matapos niyang makapanood ng video nito sa Youtube.
  • Noong 2 Setyembre 2011, si Dwight Howard at halos 100 ng kanyang mga tagahanga ay nagplanking sa Beijing, China.

Iba pang uri

baguhin

Teapotting

baguhin

Ang teapotting ay isa sa mga maraming uri ng planking na lumitaw sa sandaling panahon matapos kumalat ang planking. Ito ay binubuo ng pagayos ng mga kamay sa anyo ng isang takure, mula sa pambatang kantang “Ako’y Isang Maliit na Takure”. Ang uring ito ay ginawa ng mga guro sa Kolehiyo ng Mortlake sa pagtatangkang gumawa ng panibagong uso matapos mapansin ang dami ng atensiyon na natanggap ng planking.

Owling

baguhin

Ang owling ay isang pagbabago sa planking kung saan ang isang tao ay umuupo tulad ng isang kuwago. Una itong naipakita noong 11 Hulyo 2011 sa isang post sa social news website na reddit.

Horsemaning

baguhin

Ang horsemaning ay sinasaklawan ng pagposisyon ng dalawang tao upang maganyong iisa lamang na katawan na may natanggal na ulo. Ito ay pagbabalik ng isang pauso sa paglilitrato na sumikat noong 1920s. Naisip na nagsimula ang bansag na ito sa Pugot na nangangabayo na matatagpuan sa maikling kuwento ni Washington Irving na may pamagat na The Legend of Sleepy Hollow.

Batmanning

baguhin

Ang batmanning ay nangangailangan ng paglambitin nang pabaliktad.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Plank[patay na link], A long, thin, flat piece of timber, used esp. in building and flooring, sandayong.com
  2. 2.0 2.1 "The lying down game: how to play" , [Staff] (9 Setyembre 2009). The Telegraph (London). Nakuha 13 Nobyembre 2010.
  3. "You Know That Internet Phenomenon ‘Planking’? Seems That Tom Green Invented It In 1994", Jon Bershad (13 Hulyo 2011). Mediate.com. Nakuha 14 Hulyo 2011.
  4. "Who, What, Why: What is planking?", Jon Bershad (13 Hulyo 2011).News magazine. bbc. 16 Mayo 2011.Nakuha 02 Agosto 2011.
  5. "Playing Dead,", Brad [pseud.], Chris Menning [?pseud.], Jamie Dubs [?pseud.], yatta [pseud.] Emily Huh (ed.), Brad Kim (ed.) Know your Meme Seattle and New York: Cheezburger Inc.. available online (2010)

Mga kawing panlabas

baguhin
  • Daily Mail article na nagpapakita ng ilang halimbawa [1]
  • Planks, But No Planks: The Fatal Idiocy of “Planking” [2], by Jim Goad at Taki's Magazine, 2011
  • Web Urbanist article na may ilang halimbawa [3] Naka-arkibo 2011-12-04 sa Wayback Machine.