Ang Playmobil ay isang linya ng mga laruang gawa ng Alemang kumpanyang Geobra Brandstätter GmbH.

Ang logo ng Playmobil.

Ang Playmobil ay nabibilang sa kategoryang plastic figures, kagaya ng Lego.

Sa Pilipinas, hindi gaanong kilala ang Playmobil. Ngunit sa Alemanya, kilalang-kilala ang Playmobil. Ganoon din sa Estados Unidos at mga bansang Europeo.

Kasaysayan

baguhin

Ang Playmobil ay inimbento ng Alemang si Hans Beck (1929-2009) noong 1974 para kay Horst Brandstätter, ang dating may-ari ng Brandstätter. Ipinalabas ito noong 13 Setyembre 1974.

Dahil sa kaunting matigas na plastik lang ang kailangan para sa Playmobil, nakayanan ng Branstätter ang krisis sa gaas noong 1973.

Ang unang mga set (Knights, Construction, at Indians) ay naging mabili at sa unang taon, tatlong milyong D-Mark (PhP75.000.000) ang naguha ng Brandstätter group mula sa Playmobil.