Plesiadapis
Ang Plesiadapis ang isa sa pinakamatandang alam na tulad ng primadong espesye ng mamalya na umiral mga 58 hanggang 55 milyong taon ang nakalilipas sa Hilagang Amerika at Europa.[2]
Plesiadapis | |
---|---|
P. cooki fossil | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Superpamilya: | |
Pamilya: | |
Sari: | †Plesiadapis Gervais, 1877
|
Tipo ng espesye | |
†Plesiadapis tricuspidens | |
Paleospecies[2][3] | |
†Plesiadapis walbeckensis Russell, 1964 |
Mga pinagmulan at pagkakatuklas
baguhinAng unang pagkakatuklas ng Plesiadapis ay ginawa ni François Louis Paul Gervaise noong 1877 na unang nakatuklas ng Plesiadapis tricuspidens sa Pransiya. Ang uring specimen ay MNHN Crl-16 at isang kaliwang mandibular na pragmentong may petsang Simula ng Eoseno. Ang henus na ito ay malamang na lumitaw sa Hilagang Amerika at nag-kolonisa sa Europa sa isang tulay na lupain sa pamamagitan ng Greenland. Sa kasaganaan ng henus na ito at sa mabilis nitong ebolusyon, ang espesyeng Plesiadapis ay gumampan ng isang mahalagang papel sa sonasyon ng Huling Paleoseno at sa korelasyon ng mga fauna sa parehong mga panig ng Atlantiko. Ang dalawang kahanga-hangang mga kalansay ng Plesiadapis na ang isa rito ay halos kumpleto ay natuklasan sa mga deposito ng ilog sa Menta, Pransiya.[2] Bagaman ang preserbasyon ng mga matitigas na bahagi ay mababa, ang mga kalansay na ito ay nagpapakita pa rin ng mga labi ng balat at buhok bilang isang film na karbonaseyoso(carbonaceous) na walang katulad sa mga mamalya sa panahong Paleoseno. Ang mga detalye ng buto ay mahusay na napreserba sa mga fossil mula sa Cernay, Pransiya kung saan ang Plesiadapis ang isa sa pinaka-karaniwang mga mamalya.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ McKenna, M. C, and S. K. Bell (1997). Classification of Mammals Above the Species Level. Columbia University Press. ISBN 0-231-11012-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Gingerich, P.D. (1976). "Cranial anatomy and evolution of early Tertiary Plesiadapidae (Mammalia, Primates)". University of Michigan Papers on Paleontology. 15: 1–141.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rose, K.D. (1981). "The Clarkforkian Land-Mammal Age and mammalian faunal composition across the Paleocene-Eocene boundary". University of Michigan Papers on Paleontology. 26: 1–197.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)