Bulo (bulaklak)
Ang mawo o bulo ng bulaklak (Ingles: pollen) ay isang pulbos na may katangiang maaaring pino hanggang sa magaspang na naglalaman ng mikrogametopito ng mga ispermatopita (mga binhi o buto ng halaman), na lumilikha ng mga gametong panlalaki (mga selulang isperma). Ang mga grano o butil ng bulo ay mayroong isang matigas na balot na nagpuprutekta sa mga selulang sihay habang nasa proseso ng pagkilos o paglipat nila mula sa mga istamen (stamen) hanggang sa pistil (gynoecium) ng mga halamang namumulaklak o mula sa lalaking balisuso papunta sa pambabaeng balisuso ng mga halamang konipero (conifers). Kapag lumalapag ang bulo sa ibabaw ng isang hiyang o katugmang pistil o balisusong pambabae (iyong kapag naganap na ang polinasyon), umuusbong o sumusupling (herminasyon) ito at lumilikha ng isang tubo ng bulo na naglilipat ng similya sa obyul (ovule o pambabaeng gametopita). Ang indibiduwal na mga binhi ng bulo ay may sapat na kaliitan upang mangailangan ng magnipikasyon (pagpapalaki) upang makita ang detalye.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.