Pomada
Ang pomada ay isang sangkap na malangis, mapagkit, o gawang-tubig na ginagamit sa pag-istilo ng buhok. Karaniwan itong nagpapakintab at nagpapasuwabe sa buhok. Mas tumatagal ito kumpara sa karamihan ng mga produktong pambuhok, at madalas na nangangailangan ng ilang hugasan para matanggal nang buo. Sinangkapan ang mga pomada noong ika-18 at ika-19 na siglo ng taba ng oso o mantika.[1] Sa mga modernong pomada, malimit ang paggamit ng lanolina, pagkit at halayang petrolyo. Sa paglagay ng pomada sa buhok, nagiging posible ang paghuhubog ng buhok sa mga istilo kagaya ng pompadour.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Pomade, lard and bear fat" [Pomada, mantika at taba ng oso]. Mr Bear Family (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)