Ang pommel horse ay isang aparatong gamit sa masining o artistikong himnastika. Nakaugaliang ginagamit ito ng mga lalaking atletang himnast. Dati itong gawa sa metal na kayarian na may katawang kahoy at balot na katad, subalit maaaring maglaman ito ngayon ng plastik o mga kompositong materyales, na binubuo ang katawan ng plastik at maaaring nababalutan ng mga sintetikong materyales.

Isang atletang himnast na nagsasagawa ng mga rutina sa ibabaw ng isang pommel horse.

Mga sukat

baguhin

Nilathala ng Fédération Internationale de Gymnastique (FIG, o Pandaigdigang Pederasyon ng Himnastika) ang mga sukat ng aparato sa polyetong Apparatus Norms o "Pamantayang Pang-aparato."

  • Taas: 115 cm, kasama ang may 20 cm lapagang mat o banig
  • Haba: 160 cm
  • Lapad: 35 cm
  • Taas ng mga pommel: 12 cm
  • Layo sa pagitan ng mga pommel: 40 cm hanggang 45 cm (nababago)

Sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.