Pompeyo

(Idinirekta mula sa Pompey the Great)

Si Gnaeus Pompeius Magnus, na nakikilala rin bilang Pompey (play /ˈpɒmp/), Pompeyo, Pompey ang Dakila o Pompeyo ang Dakila[1] (nomenklatura o kapangalanang opisyal:CN·POMPEIVS·CN·F·SEX·N·MAGNVS;[2] 29 Setyembre 106 BK – 28 Setyembre 48 BK), ay isang pinunong pangmilitar at pampolitika ng panghuling bahagi ng Republikang Romano. Ang pinagmulan niya ay isang mayamang lalawigan ng Italya, at ang kaniyang ama ang unang naglunsad ng mag-anak sa piling ng nobilidad o maharlikang Romano. Ang malaking katagumpayan ni Pompey bilang isang heneral habang napakabata pa ay nakapagpagawa sa kaniya na hindi umabot sa normal o karaniwang mga kailangan para sa tungkulin. Ang tagumpay na pangmilitar ng Ikalawang Digmaang Sibil ni Sulla ang nagpahantong sa kaniya upang akuin ang palayaw na Magnus, "ang Dakila". Naging konsul siya nang tatlong ulit, at nagdiwang ng tatlong mga tagumpay.

Si Pompey ang Dakila noong kalagitnaan ng panahon ng kaniyang buhay.

Noong kalagitnaan ng 60 BK, sumali si Pompey kina Marcus Licinius Crassus at Gaius Julius Caesar sa hindi opisyal na pagsasanib o alyansang pangmilitar at pampolitika na nakikilala bilang Unang Triumbirado (pulutong na may tatlong kasapi), na pinatibay ng pagkakakasal ni Pompey sa anak na babae ni Caesar na si Julia. Pagkaraan ng mga kamatayan nina Julia at Crassus, kumampi si Pompey sa mga optimado, ang pangkat na konserbatibo ng Senadong Romano. Pagdaka, naglaban sina Pompey at Caesar para sa pagkapinuno ng estadong Romano, na humantong sa isang digmaang sibil. Nang matalo si Pompey sa Labanan ng Pharsalus, naghanap siya ng kanlungan sa Ehipto, kung saan siya ay namatay dahil sa asasinasyon. Ang kaniyang karera at pagkapagapi ay mahalaga sa sumunod na pagbabagong anyo mula sa pagiging isang Republika upang maging isang Prinsipado at sa paglaon bilang isang Imperyo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. William Smith, A New Classical Dictionary of Greek and Roman Biography, Mythology and Geography, 1851. (Sa ilalim ng pangsampung lahok ng Pompeius).
  2. Gnaeus Pompeius Magnus, son of Gnaeus, grandson of Sextus (Gnaeus Pompeius Magnus, anak na lalaki ni Gnaeus, lalaking apo ni Sextus)


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Roma ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.