Huwag ikalito sa pormikasyon.

Ang pornikasyon (Ingles: fornication, Kastila: fornicación) ay karaniwang tumutukoy sa konsensuwal o may pagpayag na pagtatalik sa pagitan ng dalawang taong hindi kasal sa isa't isa.[1][2] Para sa maraming mga tao, ang kataga ay nagdadala ng isang kaugnayang pangmoralidad o panrelihiyon, subalit ang kahalagahan ng mga gawaing seksuwal na pinaggagamitan ng paglalapat ng salita ay magkakaiba sa pagitan ng mga relihiyon, mga lipunan, at mga kultura. Ang kahulugan ay kadalasang pinagtatalunan. Sa makabagong paggamit, ang kataga ay kadalasang pinapalitan ng mas walang kinikilingang mga katagang hindi mapanghusga, katulad ng pagtatalik bago ang kasal (premarital na pagtatalik) o kaya pagtatalik na ekstramarital (pagtatalik sa labas ng kasal).

Etimolohiya

baguhin

Isang pangkaraniwang paniniwala na ang pinagmulan ng kataga ay salitang Latin na fornicari, na may kahulugang "pagkakaroon ng ugnayang seksuwal sa isang patutot", na nagmula naman sa salitang Latin din na fornix. Ang fornix ay may kahulugang "pasilyong may hugis arko", "nakaarkong bubungan o kisame", o "kaha de yero", na naging karaniwang pahiwatig para sa isang "bahay ng prostitusyon" dahil ang serbisyo ng mga prostituta ay maaaring hingin sa mga pasilyong nasa ilalim ng sinaunang Roma. Sa mas tuwiran, ang fornicatio ay isang salitang nangangahulugang "ginawa sa pasilyong may hugis arko"; kung kaya't orihinal itong tumutukoy sa prostitusyon. Ang unang naitalang paggamit ng pangngalang ito sa makabago nitong kahulugan ay noong 1303 AD, kung saan ang Ingles na pandiwa fornicate (binibigkas na /for-ni-keyt/) ay naitala noong gawi ng pagsapit na ng 250 mga taon.[3] Isang pamalit na etimolohiya ay ang paghango ng kataga mula sa Griyegong pambibliyang salita na πορνεία (porneia) na natagpuan sa ilang mga diwa sa bersiyong Griyego ng Bagong Tipan, kung saan ang kataga ay may kahulugang "seksuwal na imoralidad" o mga "perbersiyong seksuwal".

Mga sanggunian

baguhin
  1. Merriam Webster Dictionary
  2. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 560.
  3. "The American Heritage Dictionary of the English Language". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-30. Nakuha noong 2012-03-25.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.