Portada:Agham/Itinatampok na Larawan/2

Sputnik
Sputnik
Kuha ng: NASA

Ang programang Sputnik ay isang serye ng mga misyong pang-kalawakan na inilunsad ng Unyong Sobyet noong huling mga taon ng dekada 1950 para ipakita ang pagiging praktikal ng mga artipisyal na satellite. "Kasama sa pagbabiyahe" ang ibig sabihin ng salitang Ruso na "Спутник".

Nagulat ang Estados Unidos sa sorpresang paglunsad ng Sputnik 1, na nangyari pagkatapos ang pagkabigo sa dalawang pagsubok ng Proyektong Vanguard, na sumunod na nagpadala ng mga satellite, kasama ang Explorer I, Proyektong SCORE, Advanced Research Projects Agency at Courier 1B. Idinulot din ng Sputnik ang pagkakatatag ng NASA at pagtaas ng perang ginagamit ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pananaliksik at edukasyon.