Portada:Hapon/Intro
Ang Hapon o Hapón /həpɒˈn/ (Hapones: 日本 Nihon o Nippon; tinatawag na 日本国 Nippon-koku o Nihon-koku na may kahulugang Estado ng Hapon) ay isang bansang matatagpuan sa Silangang Asya. Binubuo ang bansang Hapon ng mga pulo, na ang apat na pinakamalaki ay Honshū, Kyūshū, Shikoku, at Hokkaidō. Isa sa mga pinakamayamang bansa ang Hapon sa mundo na kilala sa mga produktong pang-transportasyon at elektroniks. Ang kapital nitong Tōkyō ay ang pinakamalaking kalungsuran sa buong mundo.
Ang Hapon ay binubuo ng 6,852 mga isla. Karamihan sa mga isla dito ay mabundok, at ang iba ay may mga bulkan, kabilang na ang pinakamataas na bahagi ng bansa, ang Bundok Fuji. Ang Hapon ay pang-sampu sa may pinakamalaking populasyon, na may 128 milyong katao. Ang Kalakhang Tokyo, kasama ang Tokyo at ang iba pang nakapalibot na prepektura, ay ang pinakamalaking metropolitanong lugar, na tinitirahan ng 30 milyong katao.
May mga pagsasaliksik na nagsasabi na may mga taong nanirahan na sa mga isla ng Hapon noong panahon pa ng paleolitiko.
Ang bansang Hapon ay ang ikatlong pinamalaking ekonomiya sa buong mundo noong 2012 (ayon sa nominal GDP), at ang ikaanim sa pinakamalaking naangkaat at tagapag-angkat. Ito ay kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa, G8, at ng APEC.