Posisyong papel
Ang isang posisyong papel[1][2] ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot hanggang sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel.[3] Ginagamit rin ng malalaking organisasyon ang mga posisyong papel upang isapubliko ang kanilang mga opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.[4]
Sa Akademya
baguhinNagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa isang akademikong pagsulat. Karaniwan, pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kuro-kuro o mga posisyong inihirap gamit ang ebidensiya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng naturang paksa.
Sa Pulitika
baguhinPinakakapaki-pakinabang ang mga posisyong papel sa konteksto kung saan mahalagang nakadetalye ang pag-unawa ng pananaw ng isang entidad; sa gayon, karaniwan itong ginagamit sa mga kampanya,[5] organisasyong pampamahalaan,[6] sa mundo ng diplomasya,[7] at sa mga pagsisikap baguhin ang mga kuro-kuro (e.g. sa pamamagitan ng pamamathala ng lingkurang bayan) at branding ng mga organisasyon.[8] Mahalaga itong bahagi ng proseso ng Model United Nations.[9]
Sa pamahalaan, ang posisyong papel ay nasa pagitan ng white paper at green paper kung saan kinakatigan nila ang mga tiyak na opinyon at nagmumungkahi ng mga solusyon ngunit hindi umaabot sa pagdedetalye ng planong kung paano ipapatupad nito.
Sa Batas
baguhinSa pandaigdigang batas, ang terminolohiyang ginagamit para sa isang posisyong papel ay Aide-mémoire. Ang isang aide-Mémoire ay isang memorandum na naglalahad ng mga maliliit na punto ng isang iminumungkahing talakayan o di-pinagsasang-ayunan, na ginagamit lalo na sa mga di-diplomatikong komunikasyon.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Sentro Filipino: Programa at Proyekto". Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 5, 2016. Nakuha noong Oktubre 31, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ San Juan, David Michael. "Posisyong Papel-NTC-Filipino sa Kolehiyo". Academia.edu. Nakuha noong Oktubre 31, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sanders 2005, p. 11 , "The simplest form is the letter to the editor... The most complex type of position paper is the academic position paper in which arguments and evidence are presented to support the writer's views."
- ↑ Isang halimbawa ng isang posisyong papel na nilathala ng isang organisasyon: Information Literacy: A Position Paper on Information Problem Solving (sa wikang Ingles), American Association of School Librarians, inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-22, nakuha noong 2015-10-31
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Steely 2000, p. 186 , "Through the use of position papers, telephone briefings, audio and video tapes and personal appearances Newt was able to share his ideas, ... ."
- ↑ Government position papers (sa wikang Ingles), Brake: the Road Safety Charity, inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-16, nakuha noong Agosto 24, 2008
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bond 1998 , "..., writing position papers and talking points, ... are examples of non-classified work which is carried out at virtually every diplomatic post."
- ↑ Newsom & Haynes 2004, p. 163 , "Another special area is the use of position papers as the locus for image ads and public service announcements (PSAs) for an organization."
- ↑ How to Write a Position Paper, United Nations Association of the United States of America, inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-10, nakuha noong Agosto 25, 2008
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)